Junichiro's POV
Huli na ang lahat, wala na siya dito, di na niya ako nahintay.
Wala na akong nagawa, napaka walang kwenta ko. Nabasa ko nalang yung letter na binigay niya, sinisisi ko ang sarili ko dahil nasasaktan siya ngayon."Dear Junichiro,
Alam mo ba na totoong mahal kita? Kahit konti di ako nag-alinlangan na lokohin ka, pero bakit ako niloko mo?
Alam mo ba na nagmahal rin ako dati at nasira na yung tiwala ko? Akala ko di mo gagawin sa akin yun pero nagkamali ako eh, masyado ako nagtiwala sayo.
Mahal kita, mahal na mahal kita kaya gusto ko maging masaya ka, umalis ako kasi ayoko makagulo.
Pero sana tatandaan mo na sa konting oras na nagsama tayo, totoo lahat ng pinakita ko, hindi kita ginawang panakip butas.
Kahiy anong mangyare patuloy parin kitang mamahalin, hindi ko sure, pumunta na kasi ako dito sa america para makalimot at kung pe pwede pati yung nararamdaman ko sayo makalimutan ko na. Salamat dahil kahit sa konting panahon na naging mahal natin ang isat isa ay naging masaya ako. Sana ikaw rin kahit papaano ay maalala mo parin ang mga memories na nagawa natin.
Sa ngayon, siguro nagsisimula na ako mag move on. Siguro ngayon din ay masaya ka na sa relasyon mo.
Hindi ko inaasahan na mamahalin kita pero siguro kailangan talaga dumating sa punto na masasaktan ako para mamulat na ako sa katotohanan na siguro ay wala pa talaga ang taong nararapat para sa akin.
Maging masaya ka lang, gusto ko maging masaya ka dahil masaya na ako kung magiging masaya ka.
Eto na ang last time na sasabihin ko ito sayo,
Minahal kita, mahal kita pero siguro, hanggang dito nalang ang istorya natin. Mamimiss kita, mamimiss ko lahat ng pinagsamahan natin.
Hinding hindi ko makakalimutan lahat yun, habang buhay ko yun itatago at magsisilbing aral sa buhay ko.
-Adellaine"Ayan yung nakalagay sa sulat, ewan ko nakakabakla umiiyak lang naman ako.
Ganto naman talaga diba? Pag mahal mo ang tao, lahat ng di mo nagagawa nuon ay nagagawa mo.Parang ngayon, nagsasakripisyo ako pero parang si adellaine palang ay sumusuko na.
Pero ako, hinding hindi ako susuko, umalis man siya dito sa bansa, siya lang ang mamahalin ko pero may kailangan lang ako gawin.
Hindi ko alam kung pagbalik dito ni adellaine ay wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin basta ako kahit kelan ay di magbabago ang pagtingin ko sa kanya.
Hindi ko makokontrol ang nararamdaman niya lalo na ang buhay niya, di ko pwede sabihin na ako lang ang pwede niyang mahalin lalo na at hindi ko naman sinabi ang dahilan kung bakit kailangan ko magpakasal.
Diyos nalang ang bahala sa amin.
Siguro di ako deserving para sa kanya, siguro may mas hihigit pa sa pagmamahal na pinapakita ko sakanya.Siguro kung magkaron man siya ng bagong mamahalin, mahirap man tanggapin ay kailangan kong gawin.
Kagay ng sabi niya magiging masaya siya pag masaya ako ganun din ako.
Magiging masaya nalang rin ako kung saan siya magiging masaya.Mahal ko siya, kailangan ipaglaban ko siya pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo siyang ipaglaban lalo na at alam mong ikaw ang dahilan kung bakit siya lumayo.
Mahal ko siya kaya kahit masakit tatanggapin ko basta makita ko lang na okay siya.
Bahala na si tadhana kasi kung kami man ang para sa isa't isa, alam kong magtatagpo at magtatagpo ang landas namin kahit anong pilit ng isa sa amin ang lumayo.
Basta ito lang ang sigurado ko na ako kang ang nakakaalam sa ngayon.
MINAHAL ko siya, MAHAL ko siya at patuloy ko parin siya MAMAHALIN.
BINABASA MO ANG
The Will Of Destiny
Novela JuvenilIlang beses ng pinagtagpo Ngunit tadhana'y sadyang mapaglaro Tadhanay sadyang mapanlinlang Hanggang sa huli sila parin kaya ang magkakatuluyan??