Chapter 7: Selos (Part 1)

562 37 2
                                        

Adellaine's POV

Hanggang sa makalabas kami sa room nagbabangayan parin kami.

Sasabat pa sana ako ng bigla siyang magsalita ng

"Mall" bored na sabi niya.

"Anong mall, dami mo rin alam eh noh" sabi ko pa.

"Mall. Let's go sa mall" he said.

"Ayoko nga magsorry ka muna."pa hard to get ko pang sabi.

"Wag ka na mag inarte" sabi pa niya.

"Sorry ka munaaa" sabi ko with matching beautiful eyes.

Di naman na siya sumagot naglakad lang sya pero di ko inaasahan na nung medyo makalayo na siya.
Lumingon ulit siya at sinabing "fine, sorry na."

Nang sabihin niya na yun di ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya rin pala iyon.

***

Andito na kami ngayon sa kotse niya, grabe kinakabahan ako.

Bakit nga ba ako sumama dito sa sungit na to, eh in the first place ang sama sama nito sakin.

Sabi niya dadaan muna daw kami sa drive thru ng Mcdo dahil gutom na gutom na siya.

Nung makarating na kami sa Drive thru, umorder lang siya ng two large fries at dalawang coke.

Pagkabukas ko ng bintana ng kotse, isang lugar na naman ang napukaw ng mata ko, yung lugar kung saan ko nakita yung lalaking nakaside view na hanggang ngayon gusto ko paring makita.

(Author's Note: kung nakalimutan niyo na, go back sa chapter 1, bandang gitna)

"Hoy tulala ka?" Sabi sakin ni Junichiro na ikinagulat ko.

"Wala wala" sabi ko.

Di nalang siya sumagot at inabot niya na sa akin yung fries at coke na binili niya at nagpasalamat naman ako.

***

Nandito na kami ngayon sa loob ng mall, as usual andami na naman naka tingin. Nakaka-awkward tuloy, lalo na't kasama ko pa tong masungit na to pero infairness bumabait na siya ah konti nga lang.

Ay shocks, naka uniform pa pala kami, ayain ko nga muna tong bumili ng damit.

"Uhmm ano Mr.sungit i mean Junichiro, pwede ba bumili muna tayo mg damit, hindi yung naka uniform pa tayo?" Hiya ko pag sabi sa kanya.

"K" maigsing sabi nya.

Naglakad na ko papunta sa isang boutique pero nararamdaman ko na sumusunod parin siya.

"Bat ka ba sumusunod?" Tanong ko.

"I'll treat you" sabi nya.

"May pera ako wag na" sabi ko pa.

"Okay,if you dont want then fine"sabi nya.

Hays salamat umalis na si Sungit teka asan yung bag ko? Omyyyyygolly yung wallet ko nasa loob ng bag ko! Pero wala yung bag ko. Pano yaan wala akong pambili ng damit.~

Asan na si sungit? Kailangan ko si sungit huwaaaah. Dapat di na ko tumanggi eh.

Pagtingin ko sa likod, andun si sungit at tinatawanan ako.

Imbis na maasar ako, nakakaramdam na naman ako ng kakaiba, first time ko siya makita na tumawa ng ganyan.

Pero mamaya ko na nga iisipin yan.Kailangan ko makapagpalit ng damit,kakapalan ko na lang ang mukha ko.

"Uhm,ano junichiro diba ililibre mo ko"sabi ko, kahiyaaa mygashhh

"You told me, you have money right?"sabi niya habang ngumingisi.

"Ehhhhh kasi" yan nalang ang nasabi ko.

"Haha fine,just kidding lets go?"sabi niya habang nakangiti.

Grabe mas lalo pala siyang gwapo pag nakangiti.

***

We are now here sa F21, and sabi niya kumuha ako ng gusto ko ,dahil sabi naman niya yun susulitin ko na huehueee.

"Junichiro babayaran nalang kita bukas" pahumble ko pang sabi.

"You're so cute, you dont need to, it's my treat" sabi nya.

Sandali sinabihan niya ba ako ng cute? Sabi ko na nga ba eh may lihim agenda siya.*evil smirk*.

"What did you say?" I said as if i didnt heard it.

"No-thin'" utal utal niyang sabi.

"Bayaran na nga natin yan at magpalit ka na"sabi niya pa sakin na parang namumula.

May sakit ba siya?

***

Nang mabayaran na niya yung mga napamili, agad agad naman ako nagthank you sakanya at di ko napansin na napayakap pala ako sa braso niya.

Habang naghahanap na kami ng makakainan,biglang tumunog yung cellphone niya.

~~~Niga saranghaneun naneun sorry I'm a bad boy
Geurae charari tteona jal gayo you're a good girl~~~

Sino kaya yun ? makikinig na nga lang ako tutal may lahi naman akong chismosa wahaha.

"Oh Love?why did you call? Did something happened?" Sabi ni junichiro.

Love? May jowa na pala siya, bakit parang feeling ko bigla ako naging matamlay.

"Oh really?, puntahan kita agad, wait me ha" sabi pa niya.

Bakit parang ayoko nalang pakinggan tong mga naririnig ko?anong nangyayare?

"Sige love i miss you too!,see you later" sabi pa niya.

May tinatago rin pala siyang ka sweetan, bakit parang gusto ko nalang umuwi at iwan siya?

Binaba niya na yung tawag at humarap sakin.

"Adellaine sandali, dito ka lang may pupuntahan lang ako saglit"paalam niya pa.

"Okay" yun nalang yung nasabi ko at ngumiti ng matamlay.

Nung paalis na siya di ko namalayan na sinusundan ko na pala siya.

Huminto siya sa harap ng sinehan at may kinausap na babae,maganda naman siya, siya ba yung love na tinutukoy niya?

Pero bakit nakakaramdam ako ng ganito, hindi ko dapat to maramdaman.

Dapat ko tong pigilan pero di ko inaasahan na tinrydor ako ng sarili kong luha.

"Bakit ba ko umiiyak" sabi ko sa isip ko.

Ang sakit ,bakit parang di ako makahinga at tinutusok lang ang puso ko.

Sa sobrang sakit, tumakbo nalang ako at sa hindi inaasahan may nabangga na naman ako.

Naaalala ko siya, siya yung lalaking pinagtanungan ko sa school nuon.

"Okay ka lang miss?"tanong niya

Umiling lang ako at tiningnan siya,halata sa mukha niya ang gulat.

"Ikaw yung sa school diba?"

Tumango nalang ako dahil hindi ako makapagsalita sa sobrang pagiyak ko.

"Bakit ka umiiyak" tanong niya pa sakin.

"Pwede bang makisabay nalang sa iyo sa paguwi, duon ko nalang sa iyo ipapaliwanag" sabi ko habang umiiyak parin.

Pumayag naman siya at pumunta na kami sa kotse niya.

  The Will Of DestinyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon