Adellaine's POV
Halos dalawang araw na kaming di naguusap ni junichiro, masyado na ba akong selosa?galit kaya siya?
Hayss sige na nga pag-pasok ko mamaya, sasagutin ko na siya wala ng paligoy ligoy pa. Di ko narin hihintayin yung tanong niya, sagot agad ako. Sabihan man akong desperada pero wala eh, gusto ko siya, mahal ko na siya.
Hays makaligo na nga at makapag ayos na at magpa-ganda, gusto ko ng pumasok, excited na akong sagutin siya eh hihi.
***
Ngayon ay nasa school na ako at grabe, sobrang aga ko pala ngayon.
Kahit si shorin na maagang pumapasok ay wala pa.
Habang nagmumuni muni ako ay bigla kong napansin na may dalawang tao na pumasok sa room namin, isang babae at isang lalaki.
Ang sweet nga nila eh parang couple, holding hands pa.
Nakakainggit kaya nag nagubob nalang ako sa mesa ko.
Nakaramdam naman ako ng ingay kaya napaangat naman ako ng ulo ko.
"Kamiiiii na, bf ko na siyaaa" sigaw pa nung babae na si shorin pala.
Nagulat naman ako kasi ang sinasabi niyang bf ay si eito.
Kelan pa kaya naging sila, halata naman nung una palang ay may nararamdaman na sila, especially eito, ayaw lang aminin. Torpee tsk.
"Congrats sa inyo!" Sabi ko at nginitian naman nila akong dalawa.
"Salamat, lengleng"
"Thanks bes" sagot ni shorin at eito.
Habang kinukwento nila kung paano sila naging mag jowa ay may biglang nagbukas ng pinto at iniluwa ang dalwang gwapo na si haruki at junichiro pala.
Agad naman ako lumapit kay junichiro at hinug siya.
"I'll tell you something" i said.
"I'll tell you something too" sabi ni junichiro.
"Me first" i said.
Sinabi ko na agad bago pa siya makasabat.
"I like you, ay no no, i love you, sinasagot na kita" sabi ko habang nakangiti ng sobra sobra.
Pero siya ay parang hindi natutuwa, hindi ba siya masaya na handa na akong maging gf niya?
"You dont understand adellaine" he said.
Da heck? Anong hindi ko naiintindihan.Gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko lang.
Napatingin naman kaming lahat sa nagbukas ng pinto, si Yunice impakta pala.
Nagulat naman ako ng lumapit siya kay junichiro at kinawit niya ang kanyang kamay sa braso nito.
Ngayon di ko na talaga mapigilan di umiyak. Anong bang nangyayare.
"Nasabi mo na ba sa kanya, Junichiro" sabi ni yunice.
Tumingin naman ako sa kanilang dalawa.
"Anong ibig sabihin nito,junichiro" tanong ko.
Di naman sumagot si junichiro pero sumabat si yunice.
"Oww, poor you hindi mo alam? Im his soon to be fiancee" maarteng sabi ni yunice.
Lalo naman ako napaiyak dahil hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba yun at ang sabi sa akin ni junichiro ay ako lang ang mahal niya.
"Is this fuckin true!" Tanong ko habang umiiyak.
"Yes, but---" sagot ni junichiro pero di niya natuloy dahil nasampal ko na siya.
"ASSHOLE!!!I TRUSTED YOU AND YOU JUST BROKE IT" Sagot ko at sa pagkakataong ito, nagwalk out na naman ako.
Pero ngayon, di ko na alam kung saan ako pupunta, sobrang sakit kasi talaga ng nararamdaman ko para bang kahit saan ako magpunta ay nakikita ko parin siya dahil kahit saan sulok ng school ay may memories kami.
Mahal ko na siya eh, bakit kung kelan mahal ko na siya dun pa ako masasaktan. Akala ko ako na, akala ko magiging masaya na at wala ng mang gugulo pag nasagot ko na siya pero mali kasi sa pangalawang pagkakataon, nangyari na naman ang kinakatakutan ko.
Sa pangalawang pagkakataon, naloko na naman ako, sa pangalawang pagkakataon, nagtiwala na naman ako. Sa pangalawang pagkakataon, nagmahal na naman ako ng lubos at sa pangalawang pagkakataon sa huli ako na naman ang nasaktan.
BINABASA MO ANG
The Will Of Destiny
Fiksi RemajaIlang beses ng pinagtagpo Ngunit tadhana'y sadyang mapaglaro Tadhanay sadyang mapanlinlang Hanggang sa huli sila parin kaya ang magkakatuluyan??
