Chapter 13: Reasons

560 32 3
                                    

Adellaine's POV

(1 month later)

Mas naging close kami nila shorin at nung tatlong boys.

Di narin kami masyadong nagbabangayan ni Junichiro.

Nasabi rin sa akin ni Hana na hindi na din masyadong pumapasok si Kaeden.
I wonder why but anyway i dont care.

Nandito kami ngayon sa canteen at hinihintay namin yung mga boys dahil sila na ang bumili ng pagkain namin.

"A.A Here's your foood" sabi ni Junichiro.

Oo AA ang tawag niya sakin as in eyey, ewan ko dun isang araw nalang ganyan na ang tawag sa akin.

Parang may hidden desire na nga rin si eito kay shorin, ayaw pa aminin lelz.

Tapos etong si haruki pansin ko lang,laging nakatingin kay miki, may gusto kaya siya?*grin*
Bagay sila infairness maging cupid kaya ako sa kanila?

Yep, ngayon kasama namin si Miki kahit highschool palang siya, eh paano ba naman pag break nila punta agad dito sa building namin,haha.

Si hana naman ayuun nakasimangot, baka naiinggit sa mga love birds wahaha pero wag kayong ano may crush na yan, pero di niya nga lang alam pangalan,nakita niya daw nun sa airport nung sinundo niya ang eomma at appa niya.

Naalala ko tuloy si kuyang nakita ko nun sa Mcdo,makikita ko pa kaya siya?Ewan ko ba pero may feeling ako na parang kilala ko siya or napaparanoid lang ako.

Ayy tapos si ano pa pala si shinnosuke, minsan ayy halos pala, halos lagi kaming nagkikita,kahit sa mall or kahit saan man ako magpunta lagi ko siya nakikita,ang galing lang hehe.

Pero ang nagbago talaga is si Junichiro,napakalaki ng pinagbago niya.Sobrang palangiti na siya at tumatawa na.
Parang nga mas naging madaldal pa siya sa akin eh.
Minsan natatawa kami pag napag uusapan yung mga oras na nagtatalo kami nuon.

And i like it.

I like that he change for the better.

Junichiro's POV

One month na, one month ko narin itinatagong gusto ko na siya.
Di ko alam kung napapansin niya basta gagawin ko ang lahat para mapasaya siya.

Naalala ko tuloy tawag ko sakanya is A.A para maiba naman kasi lahat sila ang tawag sakanya is lengleng kaya naisip ko na para maiba A.A ang itatawag ko sakanya and I'm the only one na pwedeng tumawag sakanya nun.

Many things has change after one month.
My attitude has changed, Yea' I change for the better.Para sakanya.

Everything has change but my feelings for her doesnt .Kung napalitan man yun is day by day lalo itong lumalala.
Everytime i see her, Everytime I talk to her, Everytime we teased each other. I treasure those times.
Di ko alam kung masusuklian niya itong pagmamahal ko but kahit hindi i'll still show her na i will love her no matter what.

Someone's POV

Hindi ibig sabihin na wala na ako ay wala na ako.Tandaan, wag magtiwala maraming mata sa paligid.

Kasalukuyan akong bumubuo ng plano kasama ang dalawang kasamahan.

Sila ang gagamitin ko para mabawi ang dapat ay sa akin lang *smirk*.

Kumbaga, ako ang utak ,sila ang mga mata at katawan. Sila ang kikilos para sa akin.

"Paano natin uumpisahan?" Sabi ni Lea

"Ikaw Ino, ikaw ang magiging mata ko"sabi ko naman.

"Sure *smirk* basta alam mo na ang kapalit pag napagtagumpayan natin ito"sabi ni Ino.

Tsk lahat talaga ng bagay sa kanya ay may kapalit.

Hayaan na nga, tutal wala naman kwenta sa akin ang hinihingi niya kumbaga para lang itong basura na pwede ko ng itapon kahit kelan.

"Eh ako ano namang gagawin ko?" Tanong pa ni Lea.

"Maghintay ka lang, may tamang trabaho para sayo" sabi ko

Ngumiti lang siya ng tipid at tumango pero mahahalata mo na ayaw niya naman talaga gawin pero wala siyang magagawa dahil pinapili ko siya nun at eto ang pinili niya.
Well,kagustuhan niya yan.

Bukas na bukas ay sisimulan na natin ang totoong laro.*evil smirk*.

Ino's POV

Isang buwan ko naring minamatahan ang pinababantayan sakin ng lalaking yun.

Kung hindi lang maganda ang kapalit eh hindi ko naman ito gagawin, pero para sakanya ay gagawin ko.

Gagawin ko ang lahat mapasaakin lang siya.

Nagkakamabutihan na sila,nakikita ko sa mga mata nila na may nararamdaman narin sila kahit papano.

Kailangan ko agad itong sabihin sakanya. Bakit ba kasi bawat detalye ay kailangan niya pang malaman.

Bakit ba kasi di nalang siya ang magpunta dito at siya gumawa ng paraan tutal sabi niya pagmamay ari niya ito at walang ibang pwedeng umangkin tsk.

Lea's POV

Nagpapakatanga na naman ako, mahal ko siya eh kaya sinusunod ko lahat ng gusto niya kahit alam kong mali.

Gusto ko maging masaya siya kaya tinutulungan ko siyang makuha yung gusto niya kahit alam kong sa loob loob ko ay sobrang sakit na.

Bakit ba kasi di nalang ako? Sa tagal naming nagsama.
Bakit kahit konti di niya ako nagawang mahalin?
Ganun ba ako kahirap mahalin?
Wala ba talagang tao na mamahalin ako higit pa sa pagmamahal ko sa kanila?
Kahit ilang beses kong sabihin sakanya na itigil niya na dahil wala naman siyang mapapala, ako parin ang nasasaktan dahil sa mga sagot niya na

"Minahal kita hindi dahil mahal kita,minahal lang kita dahil isa iyong utos"

O minsan ganto pa ang sasabihin niya

"Kung gusto mo pa akong makasama, gawin mo ang inuutos ko dahil sa oras na hindi tayo magtagumpay sa plano na toh, wala ka naring halaga dito kaya wala kang ibang magagawa kung hindi ang umalis dito".

Kaya mas pinipilit ko nalang magpakatanga dahil gusto ko pa siyang makasama kahit alam kong di niya kayang suklian ang pagmamahal

  The Will Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon