Chapter 19.5

628 7 0
                                    

Nasa kwarto ngayon si Cherry, nagrereview ng mga lessons niya nang nahulog ang filipino notebook niya at nakita niya ang mga isinulat niya noon kung paano wasakin ang puso ng isang Gabriel Tan.

Naisip niya na siya lang ang makakagawa nun para maipaghiganti lahat ng mga babaeng pinaiyak niya at siguro kung single lang siya ngayon ay malaman patapos na ngayon ang dapat niyang gawin sana. Tutal siya din naman ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Shanelle at pagkakawasak ng kanilang matinding pagkakaibigan ay dapat siya din ang gumawa ng solusyon para maayos ang lahat. Pero paano? At mukhang hindi niya na na ito magagawan ng paraan dahil kay Trancie.

Haaayyy...siguro nga karma na ang bahala sa kanya! Goodluck to you Mr. Gabriel Tan

Nang matapos na siyang magreview ay natulog na siya.

-----

August 2, Monday

"Shanelle, di ka papasok?"

"Para ano pa?"

"C'mon, dapat hindi ka gumaganyan. Wag kang magpaapekto dapat ipakita mo sa Gabriel na iyon na parang wala lang sa iyo ang nangyari."

"Bakit?"

"Para isipin niya na hindi lang siya pala ang hindi naging seryoso."

"Ganun ba iyon?"

"Yup, at alam mo ba noong chickboy pa ako, naiinsulto ako pag nakikita kong hindi naapektuhan ang mga babaeng linoloko ko."

"So do you think maiinsulto din siya?"

"Wag na lang? E di ba were partners in crime nga kami? Iisa lang ang daloy ng dugo namin! Kaya ayusin mo na ang sarili mo, magpaganda ka--"

"Eh maganda naman ako eh!"

"Kaya nga, magpaganda ka pa! Ge, una na ako sa iyo."

Hmmm..I think Trancie was right. Dapat ipakita ko sa Gab na iyon na hindi ako naapektuhan at sa lalong madaling panahon makakahanap ako ng ipagpalit sa kanyha.... Wait.. nasabi ko iyon? Wag! Erase erase erase. I can't do that. Im not that type of girl. Hindi ako nanakit ng feelings ng iba. Well, okay what I have to do siguro is ipakita ko sa kanya na iba ako sa mga babaeng pinaglaruan niya!

7:15 am

"Kamusta na kayo ng mama mo?," tanong ni Trancie kay Cherry habang papunta sila ng classroom.

"Ganun pa din hindi magkasundo."

"Sorry ha, ako kasi ang dahilan kung bakit may malaking pagitang ngayon sa inyo ng mama niyo."

"Di mo naman kasalanan eh. At siya naman talaga ang may kasalanan.  Alam mo mas mabuti na lang iyong sinabi niya sa akin ng harapan na ayaw niya sa iyo hindi yung gagawa pa siya ng kung anu-anong bagay para maghiwalay tayo."

"Mahal mo nga talaga ako no?"

"Oo naman," at sabay silang pumasok sa classroom. 

Wala pa ang teacher nila kaya maingay ang classroom.

"Oh nagkabalikan na pala kayo?," sabi ni Nikki.

"Oo, at bakit? May problema ba kung magkabalikan kami?," pagtataas ng boses ni Cherry.

"Wala naman. Its just that how could you forgive him pagkatapos ng may nangyari sa amin ng boyfriend mo?"

The Cassanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon