Weeks had passed and Trancie's been miserable. Mas lalo siyang hindi pinapansin ni Cherry lalo na't alam niya na wala itong masasandalan dahil sa nangyari sa kanyang mama. Pati kasi si Rona ay hindi niya na pinapansin.
Namimiss ko na siya. Sobra
Sigh. Nalaman niyang nagpalit ito ng number dahil cannot be reached ito sa tuwing tinatawagan niya. Gusto niyang itanong kung ano ang nagawa niya pero hindi niya tinutuloy ang plano dahil alam niya mag-iiwas na mag-iiwas pa rin siya.
Vacant nila ngayon at nasa isang room siya sa third floor dahil gusto niyang mapag-isa. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas din naman siya. Sa kanyang kinatatayuan, nakita niyang magkasama sina Cherry at Gab na tumatawa. Agad naman siyang tumungo sa grounds at sinuntok si Gab dahil sa sobrang inis at galit.
Bakit sa iba siya nakikipagusap? Nandito naman ako ah!
Nabigla naman ang lahat na nandoon.
"Ano bang problema mo pare?"
Umiwas ng tingin si Trancie at hinila si Cherry palayo doon. Tahimik silang dalawa nang nasa likod na sila ng school building.
"Cherry," at hinawakan ang kamay niya.
"Marami akong gustong itanong at sabihin sa iyo pero alam kong ayaw mong pakinggan pero gusto kong --," hindi napatapos ni Trancie ang kanyang sasabihin dahil yinakap siya ni Cherry.
"Trancie, I love you and I always will."
"I love you too, Cherry."
"Pero kailangan kitang isuko."
"Bakit? Akala ko ba haharapin nating dalawa ito."
"I don't want you to suffer so I'm letting you go."
Humiwalay si Trancie sa yakap. " Ano bang pinagsasabi mo?"
"Aalis na kami ni mama after graduation, babalik kami sa America at gusto kong magmove-on ka na mula ngayon."
Natawa si Trancie.
"Anong nakakatawa? Seryoso ako?"
"Ang babaw kasi ng dahilan mo para isuko ako."
"Anong mababaw doon?"
"Wala. Ang sabi ko, maging masaya ka sana sa naging desisyon mo," at aalis sana si Trancie nang pinigilan siya.
"Teka... Paano kung sasabihin ko sa iyo na magkapatid pala tayo, mababaw pa rin ang dahilan ko?"
Natiligan naman siya.
"Oh? Bakit hindi ka makasalita?"
"Kasi luma na yan at matagal ko nang alam iyan."
"Kailan pa?"
"Pagkatapos niyong umalis ng bahay."
"Bakit di mo sinabi?"
"Para ano? Kita mo naman na walang nagbago sa akin at sa nararamdaman ko sa iyo diba?"
"Bakit ang tanga mong mag-isip? Alam mong mali pero pinatuloy mo! Pinatulan mo ang kapatid mo!"
"Well then, if loving you was wrong, then I don't want to be right."
And I kissed her.