Chapter 38

419 7 0
                                    

A/N: Heylooooooooo readers, sorry sa almost one month na hindi nakapag UD. May summer class kasi ako huhuhu pero closing na namin sa 23, kaya eto 3 chapters ang inupdate ko para naman makabawi ako sa inyo. Hihi.

And sorry sa mali-maling grammar and typo errors. I will fix it soon kapag natapos ko na ito. Anyways,

Happy 10K  ^_____^

Cherry's POV

Kanina ko pa kinokontak si Trancie pero hindi sumasago. Siguro, enjoy na enjoy siya doon sa kadate niyang bubita! Badtrip! 

Eeeeeeeee! Nakakainis talaga! Sobra!

Kagabi niya pa ako hindi pinapansin pati ang mga text ko. Si Rona na lang kaya ang tawagan ko? At di ako nagkamali, singaot niya nga.

"Hello Rona?"

"Oh Ruby, napatawag ka?"

"Ah, nangangamusta lang ako sa date niyo."

"Waaaaaah! Speaking about the date, nandito ngayon si Trancie sa bahay, nag-uusap sila ni Papa. Gosh, siguro liligawan niya na ako.."

WTH? AMBISYOSA MO DIN EH NOH! TRANCIE's MINE! ONLY MINE!

"Paano--", at naputol ang tawag.

Tapos tinext ako ni Trancie.

"Alam na nag papa mo ang lahat, punta daw kayo dito ng mama mo."

WTH again? Sinabi niya? Bakit niya sinabi? Nakakainis! 

Nasa kwarto ako ngayon at hindi mapakali nang pumasok si mama.

"Anak?"

"Oh ma?"

"Anak, kasi.. yung papa mo gusto kang makita."

"Alam niyo na ma?"

"Ang alin?"

"Na nandito siya sa Pilipinas?"

"Ngayon ko lang nalaman. Tinawagan ako ng papa mo. Ewan ko kung sino ang nagbigay ng number ko sa kanya."

"Ahhh.."

"Magbihis ka na, pupunta tayo doon."

"Ha? Ayoko ma."

"At bakit? Akala ko ba namiss mo ang papa mo?"

"Basta ayoko. Ayoko siyang makita!"

"Cherry! Wag ng matigas ang ulo!," at lumabas siya sa kwarto ko.

Waaaaaaah! Paano na ito? I'm so dead meat na. Mabubuking na ako ni Rona. Huhubels.

The situation left me with no choice at eto na nga papunta na kami sa address na binigay ni Papa. Nandoon pa kaya si Trancie? Sana naman umalis na siya dahil for sure gulo ito pag nakita siya ni mama.

"Anak, wag kang kabahan. Maging mabait ka sa papa mo..."

Huhuh.. Paano na ito? Ang mas kinakabahan ko ay kung ano ang magiging reaksyon ni Rona... Ano ang mukhang ihaharap ko kay Rona? Magpapakunwari na lang kaya ako na hindi ko alam ang lahat? Kaso itatanong niya naman kung bakit iniba ko ang pangalan ko..

UGH. BAHALA NA :-/

"OMG! I'm so excited na to meet my half-ssiter," narinig ko pang sigaw ni Rona sa loob ng bahay nila tapos nakita kong pinagbuksan kami ng maid nila at magkaharap na kami ngayong apat.

Okay, medyo awkward na. At siyempre, nabigla si Rona.

"Ruby?," gulat na gulat na sabi niya.

"Ano?," sabi ni mama sabay tingin sa akin.

"Pa? S-siya? Ang half sister ko?," at umo-o ang papa nila.

"Teka, bakit Ruby ang tawag mo sa kanya?," tanong ni Papa.

O-oh. -__- Im dead na talaga.

"Ha? Bakit pa? Eh Ruby naman talaga ang pangalan niya eh."

Humarap si papa kay mama. "Toni, pinalitan mo ba ang pangalan niya?"

Tapos tiningnan ako ni mama. "Ano bang ginawa mo Cherry?"

The Cassanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon