Si Nikki ang nasa pic.
-----
"H-hoy, t-tama na! Ano ba! Hahahah!"
"Eh sabihin mong muna na mahal mo ako," tapos tinigilan niya ang pagkikiliti at nasa bewang ni Shanelle ang kamay ni Gab. Nagkatitigan naman sila ng ilang segundo at humiwalay.
"Ano ba yan! Nakakainggit naman kayo!," sabi ni Audrey, kaklase nila na nasa likod nila.
"Hay nako girl, sagutin mo na kasi si Cholo pakipot ka pa."
"Eww. Ang baduy niya kaya."
"Eh ano gusto mo, astig?," singit naman ni Cholo.
"Oo!"
"Ang choosy mo talaga! Iba na nga lang popormahan ko," at umalis.
"Hoy! Teka lang!," at hinabol si Cholo.
"Lokong dalawang iyon," sabi ni Gab at maya-maya'y may humawak sa balikat niya. Lumingon naman siya.
"Tol sorry sa kanina," pagpapakumbaba ni Trancie.
"Sure, wala iyon no."
"Basta wag mo lang uulitin iyon, nakakapikon eh," dagdag pa niya.
"Sige," at tuluyang nagkabati na ang dalawa.
"Teka Cherry, ano ba ang sasabihin mo sa mama mo mamaya?"
"Sasabhin ko na yung tungkol sa amin ni Trancie, magtatapat na ako sa kanya."
"Sure ka ba diyan?"
"Oo. Sure na sure na ako."
"Gusto mo samahan kita?," tanong ni Gab.
"Wag na Gab, salamat na lang. Kaya ko na 'to."
"Eh ako Cherry, gusto mo ako na lang ang sasama sa iyo?"
"Wag na Shanelle. Kaya ko na 'to."
-----
Breathe in...breathe out...breathe in...breathe out...
Kanina pa kumakatok si Cherry sa kwarto ng mama niya pero walang sumasagot tapos nagvibrate ang phone niya.
Text message galing kay Trancie.
Goodluck Cherry. I love you <333