Chapter 39

430 8 0
                                    

Nang naliwanagan na ang lahat sa ginawa ni Cherry ay nagpasalamat siya dahil hindi nagalit si Rona. Naiintindihan naman daw ni Rona kung bakit nagawang magpakunwari si Cherry.

"At ngayon, nakita ko ulit ang anak ko, pangako Toni hindi ko tatakasan ang obligasyon ko sa kanya. Tutulungan kitang bigyan siya ng magandang kinabukasan."

"Wag na. Kaya ko namang buhayin si Cherry na mag-isa."

"Ma, pagbigyan mo na si papa," singit ni Cherry.

"Wag kang makealam dito."

"Toni, gusto ko lang makabawi..."

Tumayo siya. "Tapos ano? Iiwan mo naman si Cherry tulad ng dati? Wala kang kwentang tao Ranty!:

Kinuha niya ang bag at hinawakan si Cherry.

"Aalis na kami at huwag ka nang magpakita pa sa anak ko!"

"Pero ma --"

"Tumahimik ka!"

Sobrang naiinis si Cherry sa kanyang mama. Binigyan na nga sila ng pagkakataong ayusin ang mapait na nakaraan ng kanilang pamilya ay hinid niya pa kinuha ang opportunity na iyon. Gustong kausapin ni Cherry ang mama niya at nadatnan niya ito sa kusina na umiinom.

"Ma?"

Halatang lasing na ito kaya kinuha niya ang baso.

"Wag mo akong pakealaman!"

"Ma! Ano ba ang nangyayari sa iyo?"

"Ibalik mo dito ang iniinom ko!," palasing niyang sabi pero hindi ito binalik ni Cherry.

"Ma.."

"Alam mo, okay na tayo eh, yung tayong dalawa lang anak. Kasalanan ko din kasi naexcite ako nang tinawagan ako ng papa mo. Ang buong akala ko ay makikipagbalikan siya sa akin." at tumawa siya.

"Ang tanga ko na naman. Kahit alam ko na may dalawang anak na siya, nangangarap pa din ako na balang araw na mabubuo ang pamilyang ito. Pasensyahan mo na anak ha? Ambisyosa kasi ang mama mo."

Tumayo siya at kumuha ulit ng inumin.

"Ang akala ko kasi bumalik siya dito sa Pilipinas dahil naghiwalay na sila at  hinahanap niya tayo. Yun pala, ikaw ang gustong makita at ang binalikan. Ang sakit anak, ang sakit sakit malaman na hindi ka na mahal ng taong mahal mo... Yung kahit linoko ka na, pinagtaksilan ... wala eh, mahal ko pa rin yung papa mo.," at yinakap siya ni Cherry na umiiyak.

Nasabi ni Cherry sa sarili na madami pa lang hinanakit ang kanyang mama. Bakit hindi niya napansin iyon? Tingin niya tuloy, ang sama sama niyang anak. Tapos ngayon sinusuway niya pa ito. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may namamagitan pa din sa kanila ni Trancie?

Com/Vote po :D

The Cassanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon