Dear Diary,
This day was one of the best and worst day of my life. Best day, because I was able to hear those four little words I am dying to hear from Cherry, the girl I really love.
"Trancie, I love you."
Pagkatapos kong narinig iyon, hindi ko maexplain ang naramdaman ko kanina at nagpapasalamat din ako dahil importante pa rin ako sa kanya.
And the kiss?
The kiss was amazing? Ewan ko. Basta, unexplainable din. Yun yung moment na -- I could hear her breathing and feel her heart beating.
This day was also worst because she dumped me. She dumped me again. Paulit-ulit na lang pero bumabalik pa rin ako sa kanya. Para sa akin, hindi sapat ang dahilan na magkapatid kami. Bakit ganito? Bakit kung saan hindi na ako player, dito ako mamalasin? Karma ba ito?
Sigh. I just don't know what to do right now ... but I'm still sure of one thing na gagawin ko -- I will never give up on us.
Anyway, my dear diary, don't worry about me. I'm fine. Alam kong magbabago din ang desisyon niya. Sasabihin din niya sa akin na mahal din niya ako, na hindi niya ako kayang iwan, na hindi kayang mabuhay na wala ako, na hindi niya ako isusuko, na hindi niya ako bibitawan, na hindi siya aalis, na mananatili siya sa tabi ko at walang magbabago.
Alam kong hindi niya ako iiwan. Hinding-hindi.
~Trancie
"Trancie? Buksan mo naman ang pinto oh."
Pakiusap ni Shanelle sa kanya pero wala na siyang panahon pakinggan ang sasabihin ng kanyang pinsan dahil alam niya na ang sasabihin nito.
"Anak? Trancie? Buksan mo muna a ng pinto. Si papa mo to."
This time, binuksan niya na.
"What?"
"Kailangan nating mag-usap."
"Pa, I already told Sha--"
"Will you listen first, okay?"
"Anak, utang na loob, nagmamakaawa kami sa iyo na itigil mo na yang kabaliwan mo."
Tumawa siya.
"Hindi to kabaliwan pa. Pagmamahal to!"
"I know son. I know. And madami pang babae sa mundo, hindi lang siya. And to tell you again, magkapatid kayo."
"Una sa lahat, ikaw ang may kasalanan dahil pinatira niyo sila dito."
"Look, hindi ko alam na magkapatid pala kayo. Sorry talaga anak."
"Tsk. Wala kayong magagawa pa."
"Kung wala akong magagawa then ikaw mismo ang gumawa. Alam kong meron kang magagawa at alam mo rin iyan. I know it hurts and it takes time to heal that."
"Time can't heal my heart because in the first place, it was not broken. Alam kong kaya niya ako ipaglaban, hindi niya pa masabi and I will just wait for the right place and for the right time."