Chapter 49

403 10 0
                                    

Hindi ngayon pumasok si Trancie at sobrang destructed ako. Nag-aalala na ako sa kanya. Sabi ni Shanelle nakakulong daw sa kwarto mula kagabi at hanggang sa paggising niya ay nasa kwarto pa din siya.

Maybe he really needs time. A lots of time to accept the reality.

Sana bukas pumasok na siya.

Sa sumunod na araw, absent pa rin siya at nasundan pa ng dalawang araw. 

"Shanelle, akala ko ba papasok na siya?"

"Akala ko nga din, sabi niya kasi kanina papasok na siya."

Iyan palagi ang dayalog nilang dalawa sa tuwing tinatanong ni Cherry kung papasok na si Trancie.

Gusto niyang puntahan siya sa bahay. Gusto niya itong makita, at makamusta. Inaamin niya, may pagmamahal pa rin siya hindi bilang kapatid kundi katulad din ng dati. Hindi naman kasi talaga ang "acceptance" at mag "move on".

Nasa sala ang kanyang mama at gusto niyang magpaalam.

"Ah ma?" Tiningnana naman siya.

"Pwede ba akong pumunta kay Trancie?"

"Bakit?"

"Nag-aalala na kasi ako sa kanya. Apat na araw na siyang hindi pumapasok at nakakulong lang sa kwarto."

"Okay. Sasamahan kita," at tinext ni Toni si Kenneth.

---

"Trancie, buksan mo naman ang pinto oh."

Kanina pang nakikusap so Shanelle na buksan niya na ang kanyang kwarto. Kumakain din naman siya at iyon lang ang mga oras na lumalabas siya.

Apat na araw na siyang nakakulong sa kwarto -- parang pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa kasalanang wala naman siyang nagawa.

"Trancie, nandito si Cherry. Gusto kang makita," at agad bumukas ang pinto.

"Talaga?" Ngumiti siya. "Sabi ko na nga ba, mahal niya pa rin ako. Nasaan siya?," pero hindi makasagot si Shanelle.

Dumiretso naman siya sa sala at nakita si Chery. Dahan-dahang napangiti at yinakap siya.

"Grabe, miss na miss na kita. Alam mo ba iyon?"

Humiwalay siya sa yakap at tiningnan si Cherry. "Bakit ka nandito? Makikipagbalikan ka na ba sa akin? Papayag ba ang mama mo? Papayag ka na? Papayag na ba ang Diyos mo?"

"Trancie . . . "

"So ano na?"

"Tapos na tayo. Wala ng TAYO."

"Trancie tama na please. Tama na. Tanggapin mo na."

"No. Hindi. Hinding hindi kita isusuko. I will never let you go. Ever."

The Cassanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon