"Anong pinagsasabi mo?," sabat naman ni Trancie.
"Dear Trancie, don't you remember? Sa Pavia Hotel? Diba dinala mo ako doon?"
Naguguluhan naman si Trancie tapos tumingin ito kay Cherry.
"Cherry, walang nangyari sa amin."
Basta-basta na lang tumulo ang luhay niya at umalis.
Hinabol naman ito ni Trancie.
"Cherry, let me explain," at hinarap naman siya ni Cherry.
"Fine. Explain."
Pero walang lumabas na salita sa bibig ni Trancie.
-----
Ah! Dafuq! Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan eh wala talaga akong maalala. Ang naalala ko lang ay yung nakipaginuman ako kina Cholo at Kurt tapos wala na.
Pagising ko nasa bahay naman ako so sure ako na walang may nangyari sa amin ni Nikki.
"Oh bakit hindi ka makapagsalita?"
"Hindi ko kasi alam kung paano uumpisahan."
"Eh gagu ka pala eh! Hinabol habol mo pa ako para magexplain ka tapos wala ka naman palang sasabihin! Palibhasa wala ka kasing maalala."
"Tama ako diba na wala kang maalala?" dagdag pa niya.
"Oo. Pero Cherry trust me walang nangyari sa amin ni Nikki. Kilala mo naman siya diba na? Maninira?"
"Pero the point is, lasing ka! Wala kang maalala! Nagsasabi man siya ng totoo o wala, may posibilidad pa rin na may nangyari sa inyo. My God Trancie!"
"Cherry please believe me... please," at yinakap si Cherry.
"Cherry I lvoe you, please sabihin mo na naniniwala ka sa akin.. Don't leave me."
"Mahal din kita pero paano kung may nangyari talaga sa inyo?"
"Just trust me, please?"
"Cool off muna tayo. Bumalik ka na lang sa akin kapag alam mo na ang katotohonan."
"Cherry..."
Napagdesisyunan ni Cherry na umuwi na lang siya muna para makapag-isip. Dati rati hindi naman ganito ka komplikado ang buhay niya. Sana nakinig na lang siya sa mga sabi-sabi ng mga matatanda na hindi tumatagal ang relasyon kung bata ka pa kasi along the way marami ka pang makakakilala, maaaring magbabago o mawawala ang nararamdaman mo sa isang tao. Iniisip niya kung hihiwalayan niya na lang ito.