Chapter 33

481 10 2
                                    

~Recess

"Oh tol, okay na talaga kayo ni Cherry?," tanong ni Cholo.

"Yup."

"Hay, sayang ang mga chicks mo tol, ang gaganda pa naman."

"Mga tol, nagbago na ako. Okay? Graduate na ako diyan."

"Weh, eh pwede namang mag enroll ulit diba? Hahahah!,"

"Pwede kung gugustuhin ko pero pasensya na mga tol, nagbago na talaga ako eh."

"Hanep! Uy, nakita niyo ba ang magandang chick noong sabado sa resort?," singit ni Kurt.

"Di eh," - Cholo

"Teka, kukunin ko cellphone ko," at dinukot ni Kurt ang cellphone niya sa bulsa pero wala ito. Nataranta naman siya.

"Badtrip naman oh!"

"Oh bakit tol?," tanong ni Trancie.

"Ang cellphone ko!"

Medyo natawa naman ang dalawa.

"NASA INYO BA?," galit na sabi niya.

"HAHAHA! Kasalanan ba namin na pakalat-kalat yan kanina? PAsalamat ka pa nga na kinuha ni Trancie at tinago niya," at pinakita ang cellphone.

"Wow. Salamat tol ha. I love you," pilosopong sagot ni Kurt sa dalawa.

"Oh, eto yung sinasabi kong chik, si Rona," at pinakita sa dalawa ang wallpaper nito.

Nagulat naman si Trancie sa nakita.

"Alam mo tol . . . ," sabay tingin kay Trancie, " . . . medyo kahawig sila ng Cherry mo."

"Paano mo siya nakausap tol at nakilala?," curious na tanong ni Cholo.

"Ako pa!"

"Eh ba't hindi ko nakita?"

"Aba, malay ko! Busy ka kasi sa iba eh... Hahaha!"

"Ang daya mo! Pero grabe, ang ganda. Ang puti."

"Sinabi mo pa, sa America daw siya lumaki pero Pilipino ang mga magulang niya."

"At eto pa, Salvador din ang apelyido niya," at binaling ang tingin kay Trancie na tahimik at tulala.

"Tol!"

"Ha? Ano yun?"

"Sabi ko, Salvador din apelyido niya!"

"Ah, talaga? Sige alis muna ako ha...."

"Anyare don?"

"Baka insecure sa atin. Hahaha," patawang sabi ni Kurt.

Nagpasiyang pumunta si Trancie kay Cherry, na nasa classroom ngayon. Medyo stress na siya sa mga nangyayari. Mahirap pala magtago ng sikreto. Sa totoo lang, gusto niyang sabihin kay Cherry na ang totoong asawa ng papa niya ay ang mama niya. Ang tanging alam niya lang ay may dalawa siyang kapatid sa papa niya. Hindi niya naman masabi kay Shanelle kasi for sure, ichichika ito kay Cherry. Sa tatay niya naman, ang alam nito ay wala nang pakealam kung ano na ang mga nangyayari sa buhay ng asawa niya.

Yinakap niya ito mula sa likuran. Wala pa namang masyadong tao. Sila lang ni Shanelle.

"Oh bakit?"

"Ano ba yan! Nakakainggit! Makalabas nga muna!," - Shanelle

"Wala. Medyo hindi lang ako nakatulog kagabi. Inaantok ako."

"Bakit? Anong ginawa mo?"

"Iniisip kita eh."

The Cassanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon