Kakatapos lang ng home and build up character lesson nila. Buong klase ay iniiwasan lang ni Cherry si Trancie. Si Trancie naman ay lapit ng lapit sa kanya nang biglang nag
RIIIIIIIIIIIIIIIIING!
Yes! Recess!
Sabi niya pa sa isipan niya.
Lalabas na sana siya nang biglang may humawak sa braso niya.
"Hoy bubwit!"
"Ah, ano ba yun? Nagmamadali kasi ako ..."
"May kasalanan ka pa sa akin!"
"Eh di.."
"Eh di ano?"
"Eh di SORRY!," sabay sigaw.
"Aba at ikaw pa marunong magalit ah?"
"Self defense nga iyon! Ang kulit naman kasi eh!"
"Pwede namang suntukin mo ako ah?"
"Eh sorry kasi hindi ako bayolenteng tao katulad mo!"
"HOY! Hindi ako bayolente no!"
"Aba malay ko!"
"Ikaw kaya! Sinampal mo nga ako noon, diba?"
"Hahaha."
"Anong nakakatawa?"
"Naalala mo pa pala yun?"
"Oo naman no! Ikaw ang kauna unahang babae ang nanakit sa akin! Kaya hindi ko iyon makakalimutan!"
"Paano naman kasi! Nanananching ka!"
"Aba! Ang kapal mo naman! Ikaw papatulan ko?"
"Aba malay ko. Eh kanina nga gusto mo ako halikan eh!"
"HAHAHAHHA. GRABE, KILIG KA NAMAN?"
"AAAAARGH! PWEDE BA?," aalis na sana siya nang hinila siya nito.
"Bakit na naman ba?"
Lumapit si Trancie sa tenga ni Cherry.
"Be my girlfriend and you will be forgiven," bulong niya.
"HAHAHAHHA!"
"Anong nakakatawa -.-?"
"Ganyan ka na ba talaga ka desperadang isyota ako?"
"ASA!"
"At isa pa SELF DEFENSE NGA IYON! Kailangan talaga ulit-ulitin ko? Tanga ka din eh no!"
"Gusto lang ktia pahirapan no!"
"Spell A-S-A," at nagwalk out.
"Sige ka.."
At lumingon si Cherry.
"Sasabihin ko kay Gabriel na may gusto ka sa kanya."
"Sino namang maysabi na gusto ko siya?"
"Ako? May angal?"
"Edi sabihin mo!"
"Talaga?"
"Yup. Hindi naman totoo iyan eh!"
"Eh bakit kung makatitig ka kanina sa kanya parang nakakita ka ng artista sa harapan mo?"
"Eh gwapo kasi siya, di tulad sa iyo na.."
"Na ano?"
"NAKAKABADTRIP ANG PAGMUMUKHA MO! UTANG NA LOOB!," at tuluyang lumabas ng classroom.
---