April 5, 2015
Alas-otso uno ng umaga
NAIA
"Trancie, tara na!," sabi ng papa niya.
"Wait lang, wala pa ang bubwit!"
"Lilipad na!!!"
"Talaga? Eh bakit nandito kapa sa tabi ko kung lilipad na ang eroplano?"
"Eto talaga! Joke lang iyon!"
"Joke pala iyon pa? Teka muna, tatawa ako. HAHAHAH!"
"Maiwan ka diyan!"
Grabe. 8 na at wala pa rin si Cherry. Natatandaan ko pa noon, dito kami unang nagkita ulit.
"KUYAAAA!," sigaw mula sa likod niya habang tumatakbo siya papunta kay Trancie.
"Sorry talaga kuya. Kakagising ko lang kasi."
"Kaya pala mabaho!"
"Ah ganun?"
"Amuyin mo kaya ang kili-kili mo!"
"Heh! Aalis ka na nga, mang-aasar ka pa!"
"Hehehe pero seriously, namiss ko to."
Ngumiti siya. "Ako din."
[ In five minutes, the plane will be leaving ]
"So we only have 300 seconds to go and I don't know how to tell you the exact words that you must hear before its too late so --"
"Pa english english ka pa! Diretsahin mo na kasi ako!"
"Oh!," sabay hagis ng isang maliit na notebook sa kanya.
"Ano 'to?"
"Notebook."
"Like duhh? Alam ko! Aanhin ko to!"
"Ibibigay ko na sa iyo iyan, basahin mo iyan pagdating ng bahay mo."
Scinan ni Cherry ng konti ang notebook. "Diary? Kanino to? Kay Eya?"
"Sa akin," mahina niyang sabi.
"Sa iyo? HAHAH! MAY DIARY KA PALA? HAHAH!"
"Gusto mong mamatay? Hinaan mo ang boses mo!"
"HAHAHA! Okay fine. I'll shut up na. May sasabihin ka pa ba? O kaya naman may ibibigay ka pa na mapapakinabangan ko naman."
"Wala na. Iyon lang and I think we got sixty seconds . . . "
Inayos niya ang kanyang sarili at hinawakan ang kamay ni Cherry. "Dear little sister, I mean big sister -- OUCH!"
"Bagay lang yan sa iyo!"
"Bakit mo ako binatukan? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah! Na hindi ka na maliit, malaki ka na..."
"Fine. Just continue na nga."
"As I was saying, Cherry, I love you and I always will. I think mawawala lang ito kapag nakahanap ako ng katulad mo but I guess, wala kang katulad sa mundo. Ikaw? Do you still love me?"
" < buffering > "
"Hoy! Sumagot ka! May time limit!"
"Oo na! Oo na! Mahal pa rin naman kita pero --"
"Alam ko. Salamat kasi narinig ko ulit iyan sa iyo. I can leave now this place happily."
Nagyakapan sila ulit.
"Here, promise me. Gusto ko pagbalik ko may boyfriend ka na kasi kung wala pa, papakasalan talaga kita kahit kasalanan pa sa Diyos."
"At dapat ikaw rin no! Who knows? Baka one of these days, makakabisita kami doon and if wala ka pa ring girlfriend, itatanan kita."
"Sira! Halika nga dito ulit..."
"Sigh. I will miss you sis."
"Mamimiss din kita kuya.."
"I love you Cherry."
"I love you too Trancie."