Chapter 41

421 8 3
                                    

 Dedicated to mhejhie because she voted for my story :)

 

Sa wakas, natapos na ang araw na ito. Kung pwede nga lang, i fast forward ang bawat araw kasi gusto niya nang lumayo dito, lumayo sa lugar na ito. Sa lugar na walang Trancie. . . alam niyang masasaktan lang siya kapag pinatuloy pa rin nila ang nararamdaman nila sa isa't isa kaya't habang maaga pa ay bibitaw na siya.

 

 

Calling from unknown number pero alam niya kung kanino iyon. Sinagot niya naman ito.

 

"Don't worry, hindi ako galit Cherry. I understand you. Nandito lang ako at hinding-hindi kita iiwan."

 

 

BOGSH!

 

 

Tunog ng nabasag na pinggan sa kusina. Nang pumunta siya doon ay nakita niyang nakahalandusay sa sahig ang kanyang mama.

 

"Ma?!," at nakita niyang may sugat ito malapit sa pulso ng kamay at hawak ang kutsilyo sa kabilang kamay.

 

"Ma?! Ma naman eh! Ma! Wag mo akong iiwan!," pero wala pa rin itong malay.

 

Lumabas siya ng bahay at humingi ng tulong at tinulungan naman siya ng mga kapitbahay nila at dinala agad sa ospital.

 

 

 

Habang naghihintay siya sa kalagayan ng kanyang mama ay nakita niyang papunta sa kanya ang papa niya at si Rona. Umiiyak siya nang lumapit sila sa kanya.

 

"P-paano niyo nalaman?"

 

Umupo si Rona sa tabi niya. "Tinawagan ako ni Trancie, sabi niya may masamang nangyari sa mama mo."

 

At naalala niya na katawag niya pala si Trancie kanina.

 

Lumapit ang papa niya. "Anak, hanggang ngayon, I still feel sorry sa ginawa ko sa mama mo, sa iyo, o sa inyo."

 

 

"You should be."

 

Sumenyas si Rona na aalis siya muna para mabigyan ang mag-ama ng panahon na mag-usap.

 

"Pero believe me, minahal ko ang mama mo kaya lang .."

 

 

"Oh com'on pa! Kung mahal mo si mama, hindi mo siya sasaktan!"

 

 

"Cherry, anak. Makinig ka muna. Ginusto ni mama mo na maging isang kabit!"

 

At sinampal niya ang kanyang papa.

 

-And he deserves it.

 

"HINDI KABIT SI MAMA! BIKTIMA SIYA NG PANLOLOKO MO!"

 

 

"Ahm, excuse me. Ikaw ba ang anak ni Ms. Toni Salvador?," tanong ng doktor kay Cherry.

 

 

"Ah ako nga po. Kamusta po si mama?"

 

 

"Don't worry, she's fine. In the meantime, she needs to rest and tulungan mo siyang ipakausap sa isang psychiatrist."

 

"Pero pwede bang ako na lang ang kakausap sa kanya?"

 

"Mas mabuti nga iyan. Sige, maiwan ko muna kayo."

 

 

"Anak.."

 

 

Tiningnan naman siya ni Cherry.

 

 

"Just give me a chance to prove na I was really sorry.."

 

 

"Tanungin mo si mama, hindi ako ..."

 

The Cassanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon