"Gab?," at yinugyog ni Trancie ito pero hindi gumagalaw. Wala na nga itong malay.
Kasabay ng pagtigil ng ulan ang pagpuntahan ng mga tao sa court. Binuhat nila si Gab at tumungo sa ospital na malapit sa kanilang paaralan. Hindi naman mapakali si Trancie sa nagawa niya kahit aksidente lang iyon.
Kasalanan ko pa din.
Inamin niyang malakas ang pagblock niya sa ulo ni Gab at may humawak sa balikat niya.
"Cherry?"
Yinakap naman nito si Trancie kahit basang-basa ito.
"Sorry..."
"Tahan na," at pinaupo ni Cherry si Trancie.
"Galit ka?"
Umiling naman ito.
Tahimik naman sila.
"Sige alis na ako," at unti-unting lumaho si Cherry sa paningin niya.
~ Sa loob ng ER
Ramdam pa irin ni Gab ang sakit ng ulo niya at sumakit ito lalo ng naisip niya si Cherry. Ito kasi ang gusto niyang makita sa oras na idilat niya ang kanyang mata.
Dahan-dahan niyang dinilat ang mga ito at si Shanelle ang nakita niya.
"Okay ka na?," tanong naman ni Shanelle.
"Bakit nandito ka?"
"Para malaman ko kung okay ka, masama ba?"
"Hindi naman kasi ayaw ko lang na mag-assume ka ulit. Shanelle, tapos na tayo."
"Seriously Gab? Do you think iyan ang pinunta ko dito?"
"Pwede ba iwan mo na lang muna ako?," at lumabas naman so Shanelle.
Masohista na kung masohista eh mahal ko pa rin yung gago na yun eh! Bakit ganito? The more I smile outside, the more I die inside.
Habang umiiyak siya, sumalubong sa kanya ang isang kamay na may panyong dala.
"Salamat," sabay kuha ng panyo.
"Jeron pala, cousin ni Gab."
"Shanelle."
"I know, kilala kita."
"Naikwento niya ba ako sa iyo?"
"Nope. Di ko nga alam na kayo pala."