Chapter 24.5

637 8 0
                                    

Nabalitaan ni Toni na break sina Cherry at Trancie. Masaya siya dahil natupad din sa wakas ang kanyang gusto. Hindi niya pa masabi sa anak ang totoong rason kung bakit gusto niyang paghiwalayin ang dalawa dahil ayaw niyang ipaalala ang papa nito. Mas close kasi sila noon kaysa sa kanya at ayaw niyang mas lalong ihate ni Cherry ang papa nito.

Tama nang malaman na may ibang pamilya ang papa niya. Desidido na siyang babalik sila sa Canada after grumadweyt ni Cherry. Plano niya ngayong makipagbati sa anak. Naghanda siya ng paborito nilang pagkain -- manok na linuto sa tocino sauce. Bumili din siya ng peace offering gift para kay Cherry. Isang breacleet na kulay pink, favorite color niya kasi ito.

Saktong natapos siya sa pag-aayos ng mesa ay dumating ang kanyang anak. Yinakap niya ito agad. Miss na miss niya na ito at hindi siya makapaniwala na yayakap din ito ng pabalik sa kanya. Akala niya kasi mas lalo itong magagalit sa kanya dahil naghiwalay na sila.

"Ma, I'm sorry talaga."

"Anak, okay na.. Kalimutan na lang natin iyon."

"Na miss kita ma."

"Ako din, tara kain na tayo. Hinanda ko ang paborito nating pagkain."

"Yeheyyy. Hala. Ano to?," at yinugyog ang box.

"Peace offering ko sa iyo. Hehe."

"Naku, si mama talaga. Nagabala pa," at binuksan ang box.

"Wow, ang ganda."

"Nagustuhan mo?"

"Oo naman ma no. Color pink eh," tapos yinakap niya ulit ang mama.

Maya-maya'y umiyak si Cherry pero hindi nakita ng mama niya dahil nagyayakapan sila.

"Ma, wala na po kami," bigla niyang sabi.

"Sorry anak."

"Wala kang kasalanan ma. Tama ka nga eh, na pare-pareho ang lahat na mga lalake. Akalain mo, siya pa yung nakipagbreak sa akin tapos may iba na siya agad."

"Pero diba Cherry ito naman yung gusto mo? Na hiwalayan si Trancie kasi nga may nangyari sa kanila?"

"Oo ma pero the point is bakit bigla siyang nagtransform from being so good guy to player again?"

"Ewan ko anak basta ang importante sana okay ka. Maging matatag ka sana katulad ko. Naging matatag ako para sa kaisa-isa kong anak, ikaw. Be strong."

"Salamat ma."

"Kain na tayo, medyo madrama na eh."

Pagkatapos nilang kumain, nagpresenta si Cherry na siya ang maghuhugas ng pinggan tapos pinatulog niya ang kanyang mama dahil alam niyang pagod ito sa trabaho.

Nagtratrabaho pa din si Toni sa papa ni Trancie. Hindi naman naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan dahil naiintindihan naman ni Kenneth ang sitwasyon. Sumang-ayon nga ito sa pagpapahiwalay niya sa kanilang mga anak.

Pagkatapos maghugas ni Cherry ng mga pinggan ay nagreview siya ng mga lessons niya tapos naalala niya ang sinabi kanina ng mama niya na babalik sila sa Canada pagkatapos niyang grumadweyt at sumang- ayon naman siya dito.

Ang plano niya ngayon ay kakalimutan si Trancie, mag-aral ng mabuti and to gain more friends. Hanggang ngayon kasi nagaadjust pa siya sa kanyang mga classmates dahil mostly sa classmates niya at mga bully, madaldal at chismosa. Section 1 nga siya pero ang ugali ng mga classmates niya ay pang last section.

Meron din namang mga tahimik pero ayaw niya ng masyadong seryoso.

~Message alert tone

Text message.

Galing kay Trancie??????

Kahit dinelete niya na ang number nito ay memorize niya pa din ito.

Dahan dahan niyang binuksan ang message at nagulat sa nabasa.

Cherry, practice tayo bukas. 9am sa auditorium tutal vacant naman natin.

Rereplyan ko ba??

Ano na naman ba to Trancie? Paano ako makakapagmove on nito kung nagpaparamdam ka ulit?

The Cassanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon