Chapter 29

510 7 0
                                    

"Excited na ako best," habang liniligpit nila ang gamit nila.

Kanina pang salita ng salita si Cherry pero hindi ito pinapansin ni Shanelle.

"Di pa rin kayo bati ni Jeron mo? Hay nako, hayaan mo na lang iyon muna. Ang importante, ienjoy natin ang araw na ito."

Pero tahimik pa din si Shanelle.

"Best, kaya niya sarili niya kung ano man iyong problema na dinadaanan niya..."

"Ewan ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi ako okay pag hindi siya okay? Bakit malungkot ako kung wala siya o di ko siya makakausap? Bakit -- "

"HEP! Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan."

"Bakit nga ba?"

"Kasi inlove ka na sa kanya! Malandi ka!"

"Aba't ako pa ang malandi ha? Sino ba sa amin ang lumalandi?"

"Hahaha. Pinapasaya lang kita."

"Pero okay lang ba na mainlove ako sa kanya?"

"Ano ka ba? Okay na okay nga. Ano pang hahanapin mo doon? Matalino, mayaman at pogi. Three in one. Nakajackpot ka te!"

"Heh! Nakita mong pinsan iyon ni Gab. Mamaya inutusan lang pala siya na ligawan ako."

"Ayan ka na naman eh. Hindi porket niloko ka, eh hindi ka na magtiwala ulit."

"Baka kasi iiwanan niya din ako katulad ng pinsan niya.."

"Huwag kang matakot best, buksan mo ulit ang puso mo.. Edi kung iiwanan ka niya, edi magpaiwan ka tutal naranasan mo na din iyon.. pero gago siya kung iiwanan ka niya dahil binigyan ka niya ng pagkakataong magmahal ulit pero sa iba na."

"Ikaw ba yan best? Bakit ang dami mong alam na words of wisdom ngayon? Ano bang kinain mo?"

"Oo naman no. Hay nako, tara na nga baka malate tayo...," at hinila ang kaibigan.

"At baka andon na si Jeron mo," dagdag pa niya.

Bigla namang nakaramdam ng halong saya at kaba si Shanelle. Masaya dahil makikita niya ito at kinakabahan din dahil baka hindi ito pansinin.

~Sa Tantan resort...

Eleven am nang nakarating ang lahat at kasalukuyang nagchecheck in ngayon sila sa hotel at siyempre magkasama ang dalawa sa kwarto.

"Hoy Shanelle!," tawag ni Cherry sa tulalang kaibigan.

"Ah- ano ba yon?"

"Di ka pa rin maka move on sa nangyari kanina?"

Ano nga ba ang nangyari kanina?

Pagdating na pagdating ni Cherry at Shanelle sa Tantan resort ay agad na lumapit si Jeron sa kanya at hinila ito.

"Aray! Ano ba?!"

"Pwede ba tumahimik ka... mahalaga ang sasabihin ko.."

Tapos napansin na lang ni Shanelle na naka sando lang pala ito at naka shorts. Malaki pala ang muscles nito at sa tingin niya ay may tinatagong Receptocal Abdominals ito o sa mas kilala na "ABS"

"Hoy! Narinig mo ba sinabi ko?!"

"Ay kabayo. Ano nga iyon?"

"Chinechek out mo ba ako?," sabay ngiti.

"A-ano? Anong akala mo, ang gwapo mo? At .. may laman yang katawan mo?"

"Paano kung sabihin kong "oo"

The Cassanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon