Chap.7 Ash and I

1.2K 31 3
                                    

Cassandra's POV

Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa oras na ito. Tila tumigil ang oras ng bigla niya akong hinalikan.

Hanggang sa bigla siyang nagsalita.

“Oy!’’ sabi niya. Tsaka ko naman namalayan na tumigil na pala siya.

He smirked. “Ang cute mong tignan ‘pag nagugulat ka.” then he pinched my nose.

Pinalo ko siya sa braso. “Ouch!’’ 

“Ang sakit ng palo mo ha.’’ Tsaka niya hinahawakan yung braso niya na pinalo ko.

“Nakakainis ka!’’ sigaw ko.

“Bakit? Nabitin ka ba?’’ tsaka siya ngumiti ng nakapanloloko.

Pinalo ko ulit siya.

“Aray! Sige ka. Hahalikan kita ulit.’’ Nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Tinulak ko siyang palayo.

“Nakakainis ka talaga! Manyak!’’ tsaka ko siya tinalikuran at lumakad palayo.

Narinig ko naman na tumatawa siya mula sa likod ko.

Binilisan ko ang paglakad ko.

“Hey love!’’ sigaw niya.

“Love mo mukha mo!’’ 

Nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Pilit kong bitawan ang hawak niya sa kamay ko pero hinihigpitan niya ito.

Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Bakit ang landi mo?'' tanong ko. (=______=)

"Grabe ka ha." sagot niya. "Tsaka ayos lang. Sayo lang naman ako lumalandi."

"Anong sa akin lang? Meron ka pang Cindy. Oy!''

"Bakit selos ka?'' 

"Ako? Magseselos? Joke ba 'yan? Teka tatawa ako. Ha ha ha ha.'' 

"Love, don't worry. I'm yours.'' then he smiled.

The heck? 

Pumunta kami sa tabing-dagat at naglalakad habang hawak pa rin niya ang kamay ko.

Gusto ko siyang tanungin kung totoong wala na ba talaga siya gusto kay Cindy.

Ang bilis niya mag move on. Sa tingin ko baka niloloko lang niya ako.

At ito pa ang iniiwasan ko..

Ang mahulog ako sa kanya ng tuluyan.

Hindi ito pwede.

"Ash, ilang days na ang natitira?'' biglang tanong ko sa kanya.

"Ha?'' bigla siyang humarap sa akin.

"Ilang days na ba ang natitira bilang girlfriend mo.'' 

Ilang saglit pa bago siya sumagot.

"Can we just....'' sumeryoso ang tingin niya. "AH! Nevermind!'' tsaka siya umiwas ng tingin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. 

Hanggang sa nakita ko si

Dale.

Ang ultimate crush ko.

Anong ginagawa niya kaya dito?

Tinignan ko siya. Naka-upo lang siya mag-isa sa isang sulok at parang ang lalim ng iniisip.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon