Chap.6 Kiss

1.1K 26 6
                                    

Cassandra's POV 

"Anong sasabihin mo hija?''

Umupo muna kaming dalawa sa sofa para makapag-usap ng maayos.

Tsaka ako huminga ng sobrang lalim.

Charot.

"Pa, kasi ano...''

"Buntis ka?''

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ng Papa ko.

"PAPA NAMAN EHH!! HINDI YUUUN!'' (=______=)

"Hahaha. So ano nga 'yun anak? Sabihin mo na. Makikinig ako."

Ang bait bait talaga ni Papa kahit kailan. Pero maghahanda na ako kung anong magiging reaksyon niya.

"Kasi ano.. M-may.."

"May?''

Huminga ulit ako ng malalim.

"M-may b-boyfriend na p-po ako."

Jeez. Grabe! Hindi na ata ako makakahinga ng maayos dito. 

Ilang minuto pa pero blanko pa ang reaksyon ni Papa.

Jusko po jusko po! Kinakabahan na ako. 

Nabigla ako 'nung ngumiti siya.

"Dalaga ka na talaga." sabi niya.

"Papa. Hindi ba kayo galit? Yung tipong hahambalusin niyo ako ng pamalo o kaya naman papagalitan niyo ako?'' tuloy tuloy kong sabi.

"Bakit? Gusto mo ba?''

"Ay syempre hindi po!''

"Osha. Ipakilala mo sa akin 'yang boyfriend mo ha. Matulog ka na.'' tsaka niya ako hinalikan sa noo. At umakyat na siya sa kwarto niya.

Diyos ko grabe! 

Success! Wohoooooo!!

Naligo na rin ako tsaka ako humiga sa kama.

Tsaka ko inayos 'yung teddy bear sa tabi ng kama ko.

Nang biglang may nagtext.

Si Ash.

From: Ash

Goodnight. Sweet dreams :) 

Lihim akong napangiti. 

Agad ko naman siyang nireplayan.

"Goodnight din sayo."

Pagkatapos kong nai-send sa kanya bigla siyang tumawag.

"Bakit ka napatawag?'' tanong ko sa kabilang linya.

"Wala. Gusto ko lang marinig ang boses mo.''

DUGS DUGS DUGS DUGS.

Hala. Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? 

"H-ha?'' sabi ko.

"Sige matulog ka na. Kita na lang tayo sa Monday."

"A-ah.. S-sige.''

"Goodnight.''

"Goodnight." pagkasabi ko 'nun agad kong binaba ang phone ko.

Shet. Anong nangyayari sa akin. Bigla bigla na lang akong makakaramdam ng hindi maganda sa pakiramdam ko. Bigla na lang lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Kailangan ko na ata magpatingin sa Doctor.

----------

 Monday na naman.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon