Chap.23 Pangako

948 25 4
                                    

Ash's POV

Nakita ko ang ama ko na umiiyak.

"Pa, pwede ba. Huwag kayong umiyak."

Masakit 'pag nakikita ko ang ama ko na umiiyak.

"Kasalanan ko 'to. I'm sorry.. I'm sorry son.."

Patuloy pa rin siya umiiyak.

Paano ko 'to sasabihin kay Cassandra? Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat?

Biglang pumasok ang doctor.

Tsaka sila nag-usap ng Papa ko saglit. Pagkatapos 'nun kinausap ko ang doctor..

"Doc, hindi ako pwedeng mamatay.."

Kitang-kita ko ang malungkot nilang mukha.

"Wala na ba talagang lunas? Please, tell me. I don't wanna die! F*ck!"

Naiinis ako sa sitwasyon na ganito.. Hindi pa ako handang mawala..

Hindi ako handang iwan si Cassandra..

Humiga ulit ako sa kama. Habang naririnig ko na lang na nag-uusap sila tungkol sa sakit ko.

"Doc, please gawin niyo ang lahat. Surgery, Radiotherapy or Chemotherapy gawin niyo. Kahit magkano. Kahit sobrang mahal basta buhayin ninyo ang anak ko."

Narinig kong pagmamakaawa niya.

"I'm sorry Mr. Mondragon pero nasa stage 4 na siya ng Brain Cancer. It has already spread to almost all parts of the body at maliit na chance na lang para i-cure siya." he sighed. "I'm very sorry Mr. Mondragon.."

Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

Hindi ko namamalayan na may tumutulo na palang luha sa pisngi ko.

Tangna. Bakit ako pa? Gusto kong mabuhay para makasama ko ang babaeng mahal ko..

Gusto kong maging masaya pero paano? May sakit ako pakshet! Pakshet na buhay 'to!

Humihina na rin ang mga buto ko. Sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Nanghihina na ako..

Lalo pang sumasakit ang ulo ko. Sobrang sakit na halos gusto ko nang i-untog sa pader..

Hanggang kailan ba ako mabubuhay ng ganito?

-----

Cassandra's POV

Naglalakad ako sa kawalan..

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.. Sobrang sakit.

Lord, bakit siya pa? Bakit si Ash pa? Bakit ang taong mahal ko pa?

Ang sakit isipin. Ang hirap tanggapin. Sobrang hirap.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Dale sa akin.

"May sakit siya Sandra.."

"A-anong sakit? Malubha ba? Please sabihin mo sa akin.."

"Brain Cancer.." malungkot niyang sabi.

Hindi. Hindi maaari. Nananaginip ba ako? Hindi 'to pwedeng mangyari.

"Kailangan ko na talagang sabihin sayo dahil kung hindi.. Baka magsisi pa kayo sa bandang huli. At 'yun ang ayokong mangyari sa inyong dalawa."

Naiyak ako.. Sobrang naiiyak ako dahil sa nangyayari. Hindi ko kaya.. Hindi ko kayang mawala siya..

Umiiyak ako habang papunta sa hospital. Wala na akong pakealam kung pinagtitinginan ako ng mga tao.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon