Chap.25 Huling Kabanata

1K 20 4
                                    

Ash's POV 

Tinignan ko siya. Nakangiti siya ngayon..

At dahil doon napangiti rin ako.

Pupunta kami sa Cagayan ngayon. Nandito kami sa sasakyan habang nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko habang nakaakbay ako sa kanya. 

Ilang oras na lang at makakarating din kami. 

"Wala bang masakit sayo ngayon?'' tanong niya.

Sa ngayon, may iniinda akong sakit sa katawan pero binabalewala ko lang dahil ayokong mag-alala siya.

"Wala.." sagot ko.

"Sure ka?'' tinignan niya ako.

Ngumiti ako. "Wala talaga.. Huwag kang mag-alala sa akin."

Nakalipas ng tatlong oras ay nakarating din kami sa isang resthouse na pagmamay-ari namin. Inayos na ng mga katulong mga gamit namin.

Dumiretso kami sa kwarto.

"Waaaahhh! Ang ganda dito! Tignan mo oh! May dagat pa!'' masayang sabi niya habang tinatanaw namin ang dagat mula dito sa bintana namin.

"Later, pupunta tayo diyan." sabi ko.

Ngumiti naman siya tsaka niya ako niyakap.

Ngayon, makakasama kita. Magiging masaya tayo ngayon..

Wala akong pake alam sa iniinda kong sakit. Basta ang importante makasama ko siya..

Makasama ko ang isang babaeng minamahal ko ng sobra.. 

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Pa kiss nga." sabi niya.

Natawa ako dahil ang cute niyang tignan. 

"Paano kong mahawa ka?'' sabi ko.

"Loko! Hindi ako mahahawa! Ayon nga sa binasa ko kahit i-hug o i-kiss mo 'yung taong may cancer ay ayos lang. In fact, nakakatulong nga yun eh para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo.'' explain niya sa akin.

Natawa ako sa sinabi niya. Kinurot ko naman siya sa pisngi.

Pero sumimangot siya. "Asan 'yung kiss?'' sabi niya na parang naiinip.

Ibinaba ko ang mukha ko para mag ka-level ang mukha namin..

At doon, inangkin ko ang labi niya.

Hinalikan ko siya at pumikit kaming dalawa habang hawak hawak ko ang chin niya.

Damn! I love her. I really really love her.. 

Pagkatapos 'nun ay niyakap ko ulit siya at muling tinignan ang mukha niya.

Napangiti ako dahil nakita kong lagi niyang suot suot 'yung Necklace na ibinigay ko sa kanya noon.

"Gutom ka na ba? Tara, kumain na tayo." sabi niya.

Magkahawak pa rin kami ng kamay habang pababa kami sa hagdan. Hindi ko kasi mabita-bitawan ang kamay niya.

Tumungo kami sa labas at doon kumain habang tinatanaw namin ang dagat.

"Mamayang gabi may fireworks display na magaganap.'' sabi ko.

"Talaga?!'' sabi niya. 

At dahil doon kitang-kita ko ang natutuwang mga mata niya.

Tumango ako tsaka kami nagpatuloy kumain.

-------

Pagkatapos namin kumain ay namasyal kami sa dalampasigan. Tinignan ko ang oras.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon