Cassandra's POV
"Papa, nasaan po si Lola?'' tanong ko. Ang lola namin kasi minsan nagbabantay sa kapatid ko tuwing may trabaho si Papa. Chef siya kasi sa isang sikat na hotel.
"Umuwi muna siya sa Tagaytay pero babalik rin siya."
Tsaka ako nagpatango-tango.
"Ate. Alam mo ba sabi ng isa kong classmate. Ang ganda mo daw.''
Napangiti naman ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Edi ibig sabihin bunso hindi nagsisinungaling ang classmate mo. Totoong-totoo ang sinabi niya.''
Nakita ko naman si Papa na ngumingiti-ngiti lang.
Tsaka kami nagpatuloy na kumain.
--------
Maaga akong pumasok sa School dahil na rin sa sanay ako.
Nakita kong ako palang ang estudyante dito sa classroom namin kaya umupo muna ako at pinatong ko muna ang ulo ko sa lamesa.
Ilang minuto lang ng maramdaman kong may pumapasok.
Hinayaan ko na lang dahil alam kong isa sa mga kaklase ko mga 'yan.
Nang napansin kong parang may nakatayo sa harapan ko.
At narinig kong nag-strum siya ng gitara.
Eh?
At nagsimula siyang kumanta.
Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'to, mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba~~
Teka kilala ko kung kaninong boses 'to.
Hindi kaya..
Si Ash?
Si ASSSHHHH??
Meron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along
At anong ginagawa niya?
Bakit niya ginagawa ito?
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sayong tingin ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sayo...
Pagkatapos niyang kumanta nagpalakpakan at nagsisigawan lahat ng tao dito sa loob ng classroom.
BINABASA MO ANG
101 Days To Be His Girlfriend
Ficțiune adolescenți©ℐustℳyℋobby☠ϟ✰ Ang buhay nga naman ng may "boyfriend" - Cassandra Cruz Start: January 2014 Finish: May 11 2014 All Right Reserved 2014