Chap.4 officially his girlfriend

1.3K 27 4
                                    

Cassandra's POV 

Ilang minuto ang nakalipas.

Hinihintay niya ang sagot ko.

Alam niyo 'yung ayaw ko? Magkakaroon ako ng "boyfriend" na sapilitan. 

Na hindi man lang ako niligawan. Buhay nga naman.

Ang saklap. Ang tanga tanga ko kasi. >///////<

"Pwedeng magtanong?'' sabi ko sa kanya.

"Go ahead."

"Bakit ba gusto mo magka-girlfriend? Well bukod sa sinira ko 'yang lintek na sasakyan mo."

He sighed.

"May gusto lang akong pagselosin.." seryosong sagot niya.

P-pagselosin?

So gagamitin niya ako?

Bwisit!

"Gusto ko siyang pagselosin dahil bukod sa niloko niya ako pinagmukha pa niya akong tanga.'' 

Ngayon ko lang nakitang sumeryoso ang mukha niya.

So ang lalaking ito ay nagmahal pala.

Saklap nga lang at niloko pa siya. Tsk tsk sayang ang kagwapuhan niya.

Oh I mean. Kawawa naman siya.

"So I decided na lumipat dito para hindi ko siya makita.." dagdag pa niya.

"P-pero mahal mo pa rin ba siya?'' I asked.

''Sobra." he answered.

Nang sinabi niya ang katagang 'yun parang may naramdaman akong kirot 'sa puso ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit.

Ewan basta. (=______=)

Nagpatango-tango na lang ako.

Tsaka ako huminga ng malalim.

"Fine. Okay na. Payag na ako." I said.

"Wait, what do you mean?'' nagtatakang tanong niya.

"Sabi ko. Okay na. Payag na akong maging girlfriend mo shonga!'' para matapos na rin tong problema kong 'to. At tsaka para mapagselosin na rin 'yung babaeng gusto niya. 

"Okay good then. Hintayin mo na lang bukas 'yung rules natin about our relationship."

"Ngek? May rules pa? Grabe ka naman. Psshh." ang arte ng lalaking 'to. May ganun pang nalalaman.

"Whether you like it or not. Meron tayong rules.'' sabi niya. "Okay, see you then.'' tsaka siya tumalikod at nagsimulang naglakad palayo.

Samantalang ako. Nakaiwang tulala.

Hindi ko alam anong mangyayari sa akin. 

Bahala na si Captain America.

Bumalik na rin ako sa klase.

----

 Kinabukasan.

Mag-aalasais na ng umaga pero hindi pa rin ako bumabangon.

Parang ayaw kong pumasok dahil sa lalakeng 'yun.

Nang biglang sumigaw si Papa.

"Hija! Bangon na!''

Tsaka naman pumasok ang kapatid kong bunso.

"Oh bunsoy. Bakit?''

"Ate. Bangon na po bawal po ang hindi pumasok dahil naghihirap si Papa na magtrabo para lang makapag-aral tayo." habang sinasabi niya yun. Nakapameywang pa siya. Para tuloy akong pinapagalitan. Haha.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon