Chap. 20 Gwapong Nilalang

973 23 2
                                    

Cassandra's POV 

Dahil Christmas Break namin ngayon nagdesisyon akong pumunta sa Tagaytay ulit at kasama ko ngayon si Ash. 'Nung isang gabi kasi nag-dinner kami kasama ang kanyang Ama kaya ngayon isasama ko na naman siya para sa Christmas Eve.

Pagkababa namin sa kotse agad kami sinalubong ni Lola Dina at si Bunsoy. Pumasok kami sa loob at hindi namin akalain na marami palang bisita dahil nandito ang mga Tito at Tita ko.

"Oh my gosh Hija! Dalaga ka na!'' sabi ni Tita Faye na agad nakipag beso-beso sa akin. Tsaka napansin niyang may kasama pala ako. "And oh, sinong 'tong gwapong kasama mo? Boyfriend mo ba?'' ngiting tanong niya.

"Opo Tita."

"Hello po.'' bati naman ni Ash.

Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig habang si Ash nakikipagkwentuhan sa mga Tito't Tita ko. Nakita ko naman na nageenjoy siya habang nakikipagkwentuhan sila sa kanya.

Nakipagkwentuhan rin ako sa ibang relatives namin dito.

"Infairness ang gwapo ng boyfriend mo Cass ha!'' sabi ni Len na isa sa mga pinsan ko.

"Oo nga. Inggit muuuuch ako!'' sabi naman ni Tina na nakapout pa.

"Hindi pa rin kayo nagbabago ano?'' pang-aasar ko sa kanila.

Ilang saglita pa lumapit biglang lumapit sa amin si Ash.

"Umm. Pwedeng hiramin ko muna ang pinsan niyo?'' sabi ni Ash na nakangiti.

"Ayieee! Gora lang! Hehehe!'' pang-aasar ni Len.

"Sige kunin mo muna si Cass at magsolo muna kayo. Tara na teh!'' sabi rin ni Tina.

Pumunta kami sa likod ng bahay ni Lola at doon umupo kami malapit sa dagat. Habang nilalanghap ang malamig ng simoy ng hangin.

"Napagod ka ba?'' tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya. "Hindi naman. Masaya silang kakwentuhan."

"Mabuti naman.."

Lumapit siya sa akin at tsaka niya ako inakbayan at nilalaro ang buhok ko.

Naamoy ko 'yung mabango niyang pabango. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi ko talaga kayang mawala ka sa tabi ko.." bulong niya. "Pwedeng ako na lang talaga ang mahal mo at huwag ka ng tumingin sa ibang lala--"

Pinigil ko siya dahil hinalikan ko siya. 

"Shonga! Bakit titingin pa ako sa ibang lalaki kung alam kong ikaw ang makakasama ko habambuhay." kunwaring inis na sabi ko sa kanya.

Napangiti lang siya.

"I know right." he said and he kissed my nose.

Tsaka kaming tahimik na naka-upo habang pinapanuod ang mga bituin.

_________________________

After 2 months.

Nandito kami ngayon sa School para tumulong sa pag-aayos para sa mga bata na manunuod ng Show. Kasama rin ang iba't-ibang kabatchmate namin.

Habang naglilinis ako biglang may matulis na bagay na tumusok sa kamay ko kaya napa-aray tuloy ako.

"Aray!''

Agad naman lumapit sa akin si Ash.

"What's wrong?'' nag aalalang tanong niya sa akin.

Agad kong tinago 'yung kamay kong may sugat.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon