Chap.10 My Day is Incomplete Without You

1.1K 25 1
                                    

A/N: Grabe. Sorry po talaga kung ang tagal kong hindi nag uupdate. Sorry, I'm just busy reviewing my lesson for NAT Exam and ang daming projects na kailangan tapusin. Sorry guys!

Hahaha, oh well eto na ang update ko. Enjoooy! Thank you.

Cassandra's POV 

Nang gabing iyon. Kinwento lahat sa akin ni Papa ang nagyari kung bakit namatay si Mama.

She sacrificed herself for a young boy that's why she died. Napakadakila ng Ina ko and yet he never told me kung sino 'tong batang niligtas niya. 

"Ate ate!'' biglang pumasok ang kapatid ko sa kwarto.

"Yes bunsoy?''

"Aalis po kami at doon po ako kina Lola ng dalawang linggo..'' tsaka siya tumalon-talon sa tuwa. "Pero ate mamimiss kita." he said.

I'm so lucky to have a young brother like him. (^_____^)

"Oo bunsoy sinabi rin ni Papa sa akin yan kahapon.'' Oh yeah. Mag-iisa nanaman ako dito sa bahay ng dalawang linggo. May pupuntahan rin si Papa eh para daw sa work niya. Ay ewan. Wala akong alam. (-____-)

So, ibig sabihin mag-isa na naman ako ulit sa bahay. Hay buhaaaaaay!

And then dumiretso ako papunta sa School.

Umupo ako at nagbasa ng libro ng Physics nang lumapit sa akin si Tam.

"Paano kung hindi mo namamalayan, nahuhulog ka na pala sa kanya?'' after he said that he smiled. Yun tipong nakakalokong smile.

"Pinagsasabi mo?'' taas kilay kong tanong.

"Tungkol sa inyo..''

Tsss. Alam ko na naman kung anong pumapasok sa kukote nitong bwisit na kaibigan kong 'to.

Inabutan ko siya ng kendi.

"Oh eto kendi!''

"Para saan to?''

Hay nako. (-___-)

"Try mong titigan at kausapin baka magsalita 'yan.'' 

"Ah okay. Thanks!'' tsaka umupo siya sa pwesto niya.

Tinignan ko 'yung bakanteng upuan ni Ash.

Bakit kaya wala pa siya? 

Lunch Time.

Buong oras kong iniisip kung bakit wala si Ash. Ano kaya nangyari sa lalaking 'yun?

"Yow, hindi ka pa kakain?'' tanong sa akin ni Ash.

"Mamaya na lang..''

"Iniisip mo siya noh?'' 

"Sino si Ash? Hindi ah.'' 

"Hay mga babae talaga.'' tsaka niya binulsa ang isa niyang kamay. "Pwedeng magtanong Cassandra?''

"Sure.''

"Naranasan mo na bang lumakas ang pintig ng puso mo dahil sa isang tao na tila hindi mo maintindihan kung bakit ganoon na lang nararamdaman mo?''

Napatigil ako.

Parang...

Nangyari..

Nangyari na ba talaga sa akin 'to?

Ow wait. WTH?!

Don't tell me..

Eto 'yung nararamdaman ko pagdating kay Ash?

"Huy! Natameme ka ata diyan. Sige punta na lang ako sa canteen.'' tsaka siya naglakad palayo.

Juskong Tam na 'to. Bakit ang daming alam?

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon