Chap.21 Throwback

865 19 4
                                    

Cassandra's POV 

Pumasok ako sa classroom ng bigla akong kausapin ni Rina ang isa kong kaklase.

"Uy Cass! Pwedeng magkwento ka? Tutal gagraduate naman na tayo. Hihi." sabi niya.

"Sige pero anong ikekwento ko?''

"YUNG LABSTURI ninyo ni Ash! Hehehe!'' kinikilig na sabi niya.

"Ha?"

"Sige na. Yung unang pagkikita ninyo! Tsaka paano nagsimulang naging kayo. Sigeee naaa pleaseee." pamimilit niya.

Napaisip ako. Tsaka nag flashback lahat ng pangyayari.

Nagsimula akong naglakad sa kalsada na sobrang naiinis dahil bagsak ako sa quiz ng Computer subject namin at sa hindi inaasahang pangyayari sumipa ako ng bato at sa kasamaang palad may nabasag pa ako. 

May isang gwapong nilalang na ubod noon ng sungit at humihingi ng pera pambayad sa nasira kong sasakyan niya. At doon tinanong ang pangalan ko..

Na ang sabi ko pa ay "PEPITA" I laughed. 

Madaming nangyari na hindi ko inaasahan at ang isa doon ay maging '101 Days to be His Girlfriend" niya. Para lang mapagselos ang ex-girlfriend niya.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay unti unti akong nahuhulog sa kanya.

Pero 'yung mga panahon na 'yun, hindi ko aakalain na isang pagpapanggap na magkarelasyon ay magiging totoo na. 

Hindi ko alam bakit ko nai-kwento sa kanya 'to. Pero ang sarap balikan lahat ng pangyayari na hindi mo inaasahan.

Tsaka ko tinignan si Rina.

Sobrang lapad ng ngiti niya na parang kinikilig.

"OMG! PANG WATTPAD STORY ANG LABSTUURRIII NIYO GIRL! OMAYGULAY! KELEG NA KELEG AKO! PAK NA PAK BONGGACIOUS!'' sigaw niya.

Okay. Siya na. Siya na ang nababaliw.

Ngumiti na lang ako.

Tsaka ko hinanap si Ash pero napansin kong wala pa siya.

Absent kaya 'yun? 

-------

Pagkatapos ng klase agad kong tinawagan si Ash pero ilang beses na nagriring wala pa ring sagot.

Anong nangyari 'dun?

Naglalakad ako sa hallway ng madatnan ko si Dale.

Lumapit siya sa akin na mukhang malungkot na hindi mo maintindihan.

"Oh Dale, teka may tanong ako sayo.'' pero naputol ang dapat sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Cassandra, pwedeng samahan mo muna ako saglit?'' mukha talaga siyang may problema. Kaya pumayag na lang ako.

"S-sige.."

Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kaba. Anong meron?

-----

Pumunta kami Coffe Shop at doon muna tumambay.

"Uy Dale, anong meron ngayon?'' tanong ko sa kanya.

"Wala lang naman. Gusto ko lang makita ang girlfriend ni Ash.'' tsaka siya ngumiti.

"Eh? Yun lang?''

"Oo nga pala, matanong ko lang. Paano mo ako naging crush?''

Muntik ko nang maibuga 'yung iniinom kong cappuccino dahil sa biglang tanong niya.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon