KATAPUSAN

972 16 3
                                    

Pagsapit ng umaga agad akong tumayo sa kama. Binuksan ang mga kurtina para tignan ang araw..

Napangiti ako.

Tinignan ko ang kalendaryo ko.

Tapos na pala ang 101 Days. 

"Hintayin mo ako Ash."

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay agad akong nagbihis at sinuot ang necklace na ibinigay niya. Tumingin ako sa salamin at matipid akong napangiti habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Kapagkuwan ay agad akong bumaba.

"Ate! Nandiyan na po sila.'' sabi ng kapatid ko.

Tumango ako at agad akong lumabas.

Kumaway sila.

"Tara na!'' sabi ni Tam

"Panigurado, hinihintay ka na niya." nakangiting sabi ni Dale. Agad namang kaming sumakay sa kotse niya at tsaka niya ito pinaandar.

Sorry Ash kung pinaghintay kita.. Ayos lang naman diba? Magkikita naman tayo. 

Pero sana.. Sana kayanin ko.. 

Pagkatapos ng dalawampung minuto ay agad kaming bumaba sa kotse at agad naman nagtungo sina Tam at Dale at masayang umupo sa damo kaharap si Ash.

Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang huwag umiyak? 

Ilang linggo na akong hindi nakakadalaw sa kanya. Ilang linggo na rin akong umiiyak pero ngayon..

Nangako akong sa pagkatapos ng 101 Days ay muli akong lalapit sa kanya. Nangako ako sa sarili ko na kakayanin kong huwag umiyak sa harapan niya.

Pero hindi ko pa kaya.

Masakit pa rin. Mabigat pa rin sa pakiramdam.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang dahan dahan namang pumapatak ang luha ko sa lupa.

Lumapit ako at umupo sa harapan niya.

"Walang hiya ka pinsan! Hanggang ngayon, patay na patay pa rin si Sandra sayo!'' asar ni Dale.

Ngumiti ako pero saglit lang 'yun. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko ang dalawang kaibigan ko. 

Muli ay tinignan ko siya habang pinapahid ko ang mga luha ko sa pisngi. Dahil alam kong malulungkot siya 'pag nakita niya akong ganito.

"Hoy Ash! Hindi ko pa rin nalilimutan 'yung ginawa mo sa akin.. 'Y-yung pag-iwan mo sa akin sa ere.." sabay pahid ko ng luha sa pisngi dahil patuloy pa rin pumapatak ang mga luha ko.

"Ang sakit 'nun ah! Sobra..'' patuloy na pananalita ko.

Tinatapik-tapik lang nila ang balikat ko.

"I love you. I really love you Cassandra.. Itong pagmamahal ko sayo hindi mawawala. Mamahalin pa rin kita kahit nasa kabilang buhay na ako. Patuloy pa rin kitang mamahalin kahit magsawa ka pa sa akin. Hindi ako mapapagod na sabihin 'yan sayo. Mahal kita... Mahal na mahal kita Cassandra.."

Tandang-tanda ko pa 'nung gabing sinabi niya sa akin 'yan. Nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko ang mga salitang binitawan niya sa akin bago siya nawala.

"Siyanga pala Sandra, pinabibigay ni Tito ito bago siya umalis papuntang Russia. Sabi niya, ibigay ko daw sayo 'to. Mensahe 'yan ni Ash para sayo. Pero ibibigay ko lang daw sayo 'to pagkatapos ng 101 days.'' sabi sa akin ni Dale sabay abot niya ang papel sa akin.

"Napabilang tuloy ako ng araw para saktong 101 days eh ibibigay ko sayo 'yan.'' sabay kamot niya ng ulo. 

"Salamat.'' sabi ko tsaka ko kinuha ang papel.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon