Chap.1 GIRLFRIEND?!

2.1K 44 7
                                    

Cassandra's POV

"Kainis kainis...'' naiinis ako sa sarili ko dahil bagsak ako sa quiz ng Computer subject. 

Nagreview naman ako ang kaso etong magaling guro namin sa Computer subject iba 'yung binigay na topic. Wow lang ha. Nagreview pa ako ng todo sa topic namin ngayong quarter tapos ang ibibigay niyang tanong sa amin eh 'yung hindi namin alam. Kaya lahat kami walang kaalam-alam. 

Eh di sana hindi na lang ako nagreview. Ni isa sa ni-review ko wala namang lumabas sa tanong. Sarap ipakulam ang titser na 'yun.

De joke. (^_______^)v

Pero seryoso.

Joke ulit.

Habang naglalakad ako sinisipa ko lahat ng bato na makikita ko.

~wushuuu *sabay sipa sa bato* 

Nang biglang..

*BOOOOOOGGGSSSHHHH*

May narinig akong parang may nabasag.

(A/N: Sorry ha. Di ko alam ang tunog ng nabasag eh. Mwehehehe XD)

Ay tanga. 

Tinignan ko kung saang banda 'yun.

Oh my! 

Nakita kong basag 'yung side mirror ng isang sasakyan.

Tumalikod na ako at binilisang lumakad habang wala pang nakakakita.

Nang may biglang sumigaw mula sa likod ko.

"HEY!"

Shet shet shet. I'm effin' dead. Ang tanga mo kasi Cassandra! 

Ang tanga ko! 

Unti-unti akong humarap. Habang nakayuko pa rin ang ulo ko.

"Hala. Sorry po. Hindi ko po sinasadya." nang maramdaman kong lumalapit siya sa akin.

"Kailangan mo akong bayaran." sabi niya.

Tae. Wala akong pera. (>___<)

"W-wala a-akong pera..."

"WHAT?!''

Dahil sa sigaw niya nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya.

And oh my...

Ang gwapo.

Ay leche! Back to normal gaga!

"I'm sorry pero wala talaga akong pera pambayad sayo.'' sabi ko.

"So what will you do now? Hindi mo ako babayaran?'' inis niyang sabi.

Sayang ang gwapo pa naman ang kaso masungit.

Pero teka mukha naman siyang mayaman ha. Kainis naman.

"Parang ganoon na nga. Wala tayong magagawa. Wala talaga akong pera dito.''

Huminga na lang siya ng malalim.

"Sorry talaga..'' tsaka ako nag-peace sign. (^_______^)V

Huminga ulit siya ng malalim tsaka siya nagsalita.

"Anong pangalan mo?'' tanong niya.

Hala. Hindi niya dapat pwedeng malaman..

"Umm. Ano.. P-pepita. Hehehe."

"Niloloko mo ba ako?'' kunot-noo niyang sabi.

"Pepita talaga pangalan ko--" hindi ko natapos ang sinabi ko ng bigla niya hugutin 'yung I.D ko.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon