Chap.16 Pinsan

1K 21 5
                                    

A/N: Suuuupeeer thankful ako dahil nakaabot ito ng 1K. Salamaat po talaga! 

Cassandra's POV

Tahimik lang kami naglalakad patungo sa bahay. I just wonder kung ano ang iniisip niya ngayon.

"Uhhmm. Cassandra.." simula niya.

"Hmm?'' 

"Kailan uuwi ang Papa at kapatid mo?''

"Ahh si Papa pumunta na siya sa Singapore. Kainis talaga si Papa, biglaan eh. At tsaka si bunso nasa Tagaytay siya. Nakakalungkot tuloy."

"Ow I thought nag out of town lang Papa mo."

Sighed. "Oo nga eh. Pero umuwi siya dito nung last friday para kunin 'yung gamit niya. Galing din siya kasi sa Tagaytay para magpaalam kay bunso at kay Lola. Nag sorry siya kung bakit biglaan. Pero naiitindihan ko naman." I smiled.

"How about your younger brother?''

"I think doon muna siya. Ewan ko, pero doon na siya mag-aaral. Bibisita na lang ako dun kung namimiss ko na si Bunsoy."

"Punta tayo doon gusto mo?''

 Napatingin ako sa kanya.

"Seryoso ka?''

"Yep. Para makita mo si bunsoy mo. Para mag date na rin tayo doon. Hehe."

Binatukan ko siya sa ulo. "Sira ulo.."

"Pero seryoso punta tayo sa wednesday tutal wala tayong pasok hanggang friday kaya masosolo kita. Mwahahaha!'' tawa pa niya.

(=_________=)

"Huwag mo nga akong pinagloloko diyan." (>____<)

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa bahay.

"Pumasok ka na.'' he said.

I nod. "Bye. Ingat ka." 

"I will." tsaka siya nagsimulang naglakad palayo.

Sana masabi ko na sayo kung ano ang nararamdaman ko. 

_______________________________________________

Pagkapasok ko sa School nakita ko agad si Ash na pababa sa kotse niya.

Pero mas ikinabigla ko nang may babaeng humalik sa pisngi niya.

UUUGGGH! Halos araw-araw paiba-ibang babae ang nakakasalamuha niya.

"Tss! Jerk!'' tsaka ako naglakad. Kainis! Bakit kasi nagseselos pa ako! Bwiset naman! Ang landi talaga ng lalaking 'yun! Sarap nilang buhusan ng mainit na tubig.

Bakit kasi nagustuhan ko pa yung sira ulong Ash na 'yun! Nakakainis.

Sa sobrang inis ko hindi ko alam na nasa harap ko pala si Tam.

"Oh bakit ganyan mukha mo?'' tanong niya.

"NAKAKAINIS! AAAARRRGGGH!''

"Aray. Wag kang sumigaw." tsaka tinakpan yung tenga niya.

"NAKAKAINIS! SOBRANG NAKAKAINIS! ANG LANDI NIYA! AAAARRGGH!''

"Ahh. Si Ash?''

Hindi na ako umimik pa.

Tsaka siya tumawa.

"Anong nakakatawa ha?'' inis kong tanong sa kanya.

"Ewan ko sa inyong dalawa! Tsaka umamin ka na kasi na mahal mo siya para hindi na kayo nagkakaganyan."

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon