Chap.17 TAGAYTAY!

1K 23 1
                                    

Cassandra's POV

"Nakahanda na ako. Nasaan ka na?'' sagot ko sa cellphone ko.

Hinihintay ko si Ash dito sa labas ng gate namin. 

"Malapit na ako." sagot niya.

Ilang minuto pa dumating na siya.

Tinulungan niya akong buhatin ang mga gamit ko tsaka kami sumakay sa sasakyan niya.

Pero parang  napapansing kong kanina pa siya nakangiti.

"Bat ganyan ang itsura mo?'' tanong ko habang nagda-drive siya.

"Ha? Wala. Hehe."

Tinaas ko ang isa kong kilay. "Baka naman may binabalak kang masama? Ha?''

"Ha? Wala ha?''

"Eh ano ba kasi yun?"

"Wala nga." sagot pa niya habang naka-ngiti.

Tumahimik na lang ako pero ilang segundo nagsalita ulit siya.

"Masaya lang ako.'' tsaka hinawakan ang isa kong kamay. "Masaya ako dahil kasama kita ngayon."

"A-anong i-ibig m-mong sabihi--"

"Shhh. Tsaka na lang natin pag-usapan 'yan pag nakarating na tayo sa bahay ng Lola mo." 

Tama kaya ang kutob ko? Tama kaya na posibleng mahal niya rin ako kahit papaano? 

Ilang oras ang nakalipas nagdesisyon kaming tumigil saglit sa isang Hotel and Restaurant.

"T-teka, sa inyo ba 'to?'' tanong ko sa kanya kasi nakita kong nakasulat 'Mondragon Hotel and Restaurant' 

"Yup.'' simpleng sagot niya.

Agad kaming pumasok at umorder ng pagkain.

Habang kumakain kami ang daming tumitingin sa amin lalo na ang mga babae.

Ay hinde.

Si Ash lang pala ang tinitignan nila.

Hay nako. 

"Bakit?'' biglang tanong niya sa akin.

"Ha?'' bigla kong sabi.

"Bakit ganyan mukha mo? Parang naiinis ka.''

Naiinis ako sa mga babaeng nakatingin sayo. Bwiset. (>/////<) 

"Wala wala. Kumain na tayo." agad kong sinubo 'yung chicken.

Nakita ko lang na nakangiti siya at nagpatuloy sa kinakain niya.

Bakit kasi ang gwapo mo. Marami tuloy akong kaagaw sayo. 

Bago kami sumakay may bigla siyang sinabi.

"I have something important to say to you.."

"Ano 'yun?'' tanong ko.

"Later.'' eto na nanaman ang nakakamatay niyang ngiti.

Oh God. Mas lalo lang ako mababaliw 'pag kasama ko 'tong lalaking to.

Pero ano naman kaya sasabihin niya?

Ilang oras ang nagdaan sa wakas nakarating kami sa bahay ni Lola.

"Hija!'' sabi ni Lola Dina at sabik na niyakap niya ako.

"Ateeeee!''

"Bunsooooy!'' niyakap ko rin siya. "Miss na kita Bunsoy.''

"Ako rin Ate.''

"Oh Apo pasok kayo. Pero sino 'tong napakagwapong kasama mo?'' tanong ni Lola.

"Ah Lola! Boyfriend niya po!'' biglang sagot ng Kapatid ko.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon