Chap.8 Sorry

1.2K 29 2
                                    

Ash's POV 

Pagkarating ko sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto. Naligo at tsaka nahiga sa kama.

Bakit ako nagkakaganito?

Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig ko sa mga sinabi ko kay Cassandra.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha.

Calling...

+63909********

Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya 'to?

"Hello?''

"Ash?''

Cindy? 

"What do you want?''

"Pwede ba tayo magkita bukas?''

Why she suddenly.. UGH! 

"Ano ba kasing kailangan mo? At kailangan mo 'pang makipagkita sa akin?'' inis kong sabi.

Then she started to cry.

"I-i'm sorry Ash..'' she said. "May gusto lang naman akong sabihin. Please. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako.. Please Ash.."

I sighed.

Even if she betrayed me. Naging parte pa rin siya sa buhay ko kahit sinaktan niya ako at niloko. 

"Okay. Where and what time?'' 

"Sa Tea House at 5:00 pm. Thank you Ash. Thank you..."

Ano ba talagang sasabihin niya?

 Kung balak man niyang makipagbalikan. I don't know..

Parang ayaw ko na...

Maybe because..

Maybe because of Cassandra..

I'm starting to like her...

Cassandra's POV

Nagtext bigla sa akin si Ash na hindi daw niya ako masusundo dahil tinatamad daw siya.

Wow ha. Asteg ng boyfriend ko.

And who cares? Di ko naman gusto kung susunduin niya ako.

Mas maganda na nga to.

Habang naglalakad ako nakita ko bigla si Cindy.

"Hey Cassandra!'' naka smile pa ang bruha.

"Heyyoo GG!'' I said while naka-fake smile pa ako.

Tsaka siya lumapit sa akin.

"Hindi talaga ako makapaniwala kung bakit nagustuhan ka ni Ash. I mean, ang plain mong tignan.'' sabi niya. 

Aba't ang kapal naman ng mukha nito.

"At bakit? Kailangan bang maging clown sa harap niya para hindi ako plain tignan? At ano bang pakialam mo? And one more thing, ex-girlfriend ka na niya so leave us alone!''

"Ang yabang mong babae ka ha! Hoy, magsasawa rin siya sayo! Because I know na ako ang mahal niya. Girlfriend ka lang niya! At gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayo."

"Then do so. Akala mo ba natatakot ako?'' I said. Tsaka ako tumalikod na ako. Ayaw ko mag-aksaya ng panahon sa babaeng 'to.

Nang bigla niyang hinila ang buhok ko at bigla akong sinampal sa mukha.

Halos gusto ko ng umiyak dahil sa sakit.

Sasampalin pa niya sana ako ng biglang may humarang sa akin.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon