Chap.22 Sana..

871 20 2
                                    

Ash's POV

Gumising ako. Tinignan ko ang oras..

8:15 am. 

Tinignan ko ang kalendaryo. Napangiti ako..

Akala ko sa loob ng 101 days matatapos na ang lahat. Akala ko hindi ko masasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Sa loob pala nang 101 days ay mahuhulog pala ako sa isang babae na hindi ko aasahan na mamahalin ko ng sobra. 

Masaya ako dahil lagpas ng 101 days na makakasama ko siya.

"Shit!'' 

Tangna. Eto na naman..

Sumasakit ang ulo ko pero teka.. 

Bakit.. Bakit lumalabo paningin ko?

Agad akong tumayo para makalabas ako sa kwarto ko.

Hindi ko na kaya.. Sumasakit na ang ulo ko.. Sobrang sakit. Pakshet! 

Nagdidilim na ang paningin ko.. 

"Sir! Ayos lang po ba kayo?''

Hindi ko na kaya..

Biglang dumilim ang paligid..

"MANANG! TULUNGAN NIYO AKO! SI SIR! NAHIMATAY!" 

---------------

Cassandra's POV 

Nagising akong pinagpapawisan.

Anong klaseng panaginip 'yun? 

Naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang may nararamdaman akong hindi maganda. 

Pumunta ako sa kusina at agad uminom ng tubig.

Napanaginipan ko si Ash habang ako umiiyak.. 

Hindi ko maintindihan.. 

Kinuha ko cellphone ko. Wala siyang text o kaya naman tawag galing sa kanya.

Siguro tulog pa siya.

Pumunta ulit ako sa kwarto nang biglang tumawag si Tam.

"Hello?''

"Oy, tapusin muna natin 'yung presentation natin sa English. Lahat ng classmate natin busy eh. Nakakainis na." sagot niya.

"Sige sige, maliligo lang ako. Doon na lang tayo sa Garden Palace magkita.'' 

"Okay! Thanks lover girl! Hahaha!''

"Leche 'to--''

tooot tooot. 

Wow. Ibang klaseng kaibigan rin 'to eh noh? (-______-)

Agad na akong naligo. 

Habang naghahanap ako ng damit bigla kong nakita 'yung necklace na bigay ni Ash..

Napangiti ako.

-------

"Sinabihan mo ba si Ash na gagawin natin 'yung presentation?'' tanong ni Tam.

Uminom muna ako ng Milk Shake bago ako sumagot. "Oo." sagot ko.

"Ayos lang ba? Baka mamaya magselos pa 'yang boyfriend mo." tsaka siya tumawa. Habang nagtatype sa laptop niya.

"Hindi siya nagrereply eh." I pout.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon