Chap.13 IKAW

1.1K 23 6
                                    

A/N: Hetoooo naaaa ^O^ xoxo

Cassandra's POV

"Nandyan na pala si Ash.." sabi ni Dale.

Habang ako hindi ko alam kung ano ang dapat reaction ko.

Pero bakit ang seryoso ng mukha niya ngayon?

Bakit? 

"Sige Sandra, iwan ko muna kayo ha?'' sabi ni Dale.

"H-ha?''

"Mukhang may kailangan ata kayong pag-usapan.'' ngiting sabi niya.

"O-okay.." then suddenly he tapped my shoulder.

"Kaya mo yan! Ikaw pa." kahit kailan talaga ang cute niyang tignan 'pag nakangiti. 

Hayss. (=o=) 

Habang paalis na si Dale, nakita kong si Ash na nakatayo pa rin sa kinatatayuan niya.

Unti-unti akong lumalapit sa kanya.

At unti-unti ring lumalakas ang kabog ng dibdib ko..

Nakakabwiset. (=___=)

Hanggang sa nasa harap ko na siya.

Pero ganoon pa rin ang mukha niya.

Seryoso pa rin.

Ano kayang problema nito? Tss. 

Pagkatapos niya akong hinalikan kanina..

"Uy!'' tinusok ko siya sa pisngi gamit ang isa kong daliri.

"Pssh.''

Aba! Sinungitan niya ako!

Tsaka siya tumalikod at binulsa ang isa niyang kamay.

Problema 'nun? 

Sinundan ko lang siya sa paglalakad habang nandito ako sa likod niya.

"Uy! 'Bat ba ang sungit mo?'' tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako pinapansin.

"At ngayon hindi mo ako pinapansin ha? Kung alam mo lang may atraso ka pa sa akin!''

"At ano naman ang atraso ko sayo?'' bigla niyang sabi habang naglalakad kami.

"Yung kanina..''

"Kiss?'' he said.

"Yes."

"Alam mo, magpasalamat ka na lang dahil hinalikan kita. Dahil sa dinami-dami ng babae na nagkakandarapa na halikan ako swerte mo at ikaw ang napili ko. Tsss."

AT ANONG SABI NIYA?!! 

Agad ko siyang pinalo sa ulo.

"Aray!'' sabi niya at bigla siyang humarap.

"ANONG PASALAMAT KA DIYAN HA?! ANO KA SINESWERTE? UTOT MO!'' sigaw ko sa kanya.

Dahil sa inis ko sa kanya inunahan ko na siya maglakad.

Tss! Ang yabang! Hmmp! 

"Teka Love!'' sigaw niya.

"Leche ka!''

"Sorry na!''

Hindi ko pa rin siya pinapansin.

Sinusundan pa rin niya ako sa paglalakad habang ako binilisan ko ang paglalakad ko para hindi na niya ako masunadan.

"Uy Pepita!'' sigaw niya.

Bigla akong tumigil at humarap sa kanya.

"Anong sabi mo?'' tanong ko.

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon