Chap.14 MANYAK!

1K 23 1
                                    

Cassandra's POV 

"Cassandra!''

Sino 'yun? 

"Hoy Love!''

Sigh. Kilala ko na.

Kunwaring di ko narinig at patuloy ako sa paglalakad.

"Don't pretend that you didn't hear me love.."

Tsk. 

Lumingon ako. "Oh?'' sabi ko.

"Hatid na kita."

Nagpatuloy kami sa paglalakad. 

Bakit ganito? Iba 'yung pakiramdam ko 'pag kasama ko siya. 

Bakit sa bwiset na tao pa 'to ako nagkagusto? 

"Sino 'yung kasama mo kanina?'' paninira ko sa katahimikan.

"Ah yun? Wala lang yun.''

"Okay." I said.

"Bakit? Nagseselos ka?'' he smirked.

"I'm not jealous!'' 

"Don't deny it because I know you are tss." tsaka niya pinitik ang noo ko.

"Aray!'' tsaka ko naman siya pinitik sa tainga para pambawi.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. 

Tsaka ko siya nililihim na tinitignan.

Lihim akong napapangiti sa tuwing nakikita ko mukha niya.

Oh damn. Ayoko na! Please Lord, ayoko na! Ayokong magkagusto sa taong 'to!

Habang naglalakad kami may mga lalake sumisipol.

Hindi ko sila pinansin at si Ash bigla niya akong nilapitan tsaka nya ako inakbayan.

"Huwag mo silang pansinin."

I nod.

Hindi pa kami nakakalayo may grupo nang kalalakihan na humarang sa amin. Mga limang lalake. 

"Hey Ash! Girlfriend mo? Tangna ang ganda!'' sabi ng isang lalaki na mukhang flappy bird dahil sa kapal ng labi. Tsaka siya sumipol.

"Yes dude. So please get out of our way."

Kinakabahan na ako.

Ash's POV 

Tangna naman mga 'to! Sumipol pa talaga 'tong gagong 'to!

"Yes dude. So please get out of our way."

"Aba'y bastos ka rin pala ha!'' sagot niya.

"Ano Pare? Patumbain na ba?" sagot ng isa nyang kasama.

I smirked.

"Gago 'to pare! Ang yabang!'' sagot rin ng isa.

"Wala akong panahon sa inyo kaya pwede padaanin ninyo kami?'' sagot ko.

"Ibigay mo muna 'yang girlfriend mo sa amin! Hahahahahaha!''

Biglang humawak ng mahigpit si Cassandra sa braso ko.

"Huwag kang mag-alala. Ako bahala sayo." tsaka ko siya hinawakan sa palad ng kamay niya.

Tsaka ko tumingin sa mga gagong gang na 'to.

"Pare, wag kang gago pwede? Umalis kayo sa harapin namin kung ayaw niyong masira mga bulok niyong pagmumukha!''

Nang biglang sumuntok ang isa niyang kasama. Tsaka ko naman pinatumba at bumagsak ang gago. Tsaka naman sumugod ang iba. 

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon