Chap.11 Rain

1.1K 25 5
                                    

Cassandra's POV 

Naglalakad ako papunta sa bahay ko. Wala kasing jeep na masasakyan dito kaya naglakad na lang ako.

Lagi kong chine-check kung may reply ba 'yung mokong na 'yun.

Sigh. Bakit ko ba kasi siya iniisip? 

Napa-isip ako. Ilang days na kaya bago mag end 'yung contract bilang girlfriend niya.

73 days. 

"73 days...'' pabulong kong sabi.

Dumiretso muna ako sa isang Ice Cream House at habang bumibili ako 'dun may nakita akong dalawang lovers na nag-uusap.

"Nakita ko si Lola! Si Lolang manghuhula!'' sabi ng babae.

Hahahaha. Sino naman kaya 'tong Lolang manghuhula na ito? 

"Yun ba 'yung nakita mo sa dagat 'nun?'' 

"Oo Matthew! Siya 'yung nagsabi na kung anong bagay na mawawala sayo 'yun daw yung way para makilala mo yung taong nakatadhana sayo. At totoo nga, nang nawala 'yung keychain ko diba nahanap mo 'yun?'' she said.

"Hahahaha yup!'' tawa ng lalaki na tila tuwang-tuwa sa girlfriend niya. 

They are so cute together.

"Ang galing talaga ng lolang manghuhula noh? Akalain mo nahulaan niya kung ano ang mangyayari.''

"Kahit ano man mangyari Alliyah. Ikaw pa rin naman mamahalin ko.'' sabi ng lalaki.

"Kahit ano din mangyari Matthew. Ikaw pa rin ang mamahalin ko ng buong puso ko.'' the girl smiled when she said that.

Ang sweet talaga nila. Pakiramdam ko ang daming langgam plus daga dito sa paligid.

(A/N: Guys! Pasingit hahahaha! Basahin 'nyo yung one shot story na 'Keychain' iyooon laaang!) 

Pagkatapos kong bumili lumabas na ako at habang naglalakad ako may biglang may matandang natumba sa harapan ko.

Agad ko naman tinulungang tumayo.

"Ayos lang po ba kayo Lola?''

"Ayos lang Hija. Salamat.'' sabi niya. "Nga pala Hija, pakinggan mo kung ano tinitibok ng puso mo.''

"Po?'' nagtataka ako sa biglang sabi ng Lola.

"Maraming bagay na mangyayari sa buhay mo at marami ka pang malalaman sa pagdating ng takdang panahon. Pero kung sino man ang tinitibok ng puso mo. Siya pa rin ang mamahalin mo.''

"Eh?''

Wala akong masabi. Nagulat ako sa sinabi ng Lolang ito.

"Sige Hija. Mag-ingat ka.''

"K-kayo rin po.''

Anong ibig sabihin ng sinasabi ng Lolang iyon? Nakapagtataka.

Kumakain ako ng ice cream habang naglalakad ako.

Nang bigla kong makita si..

Ash.

Kasama si Cindy.

Agad akong nagtago sa isang sulok para hindi ako makita.

Pero bakit ganito? Ano na naman 'tong nararamdam ko?

Bakit parang ang sakit?

Selos ba 'to?

No! No! No way! 

101 Days To Be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon