Kabanata 2

2.8K 54 1
                                    

Swindon

Boses ng isang babae sa speaker at boses ng isang lalaki ang gumising sa akin pagkatapos ng napakahabang pagtulog sa napakahabang biyahe. 

Ang boses ng babae ay nagsasabi na nasa England na kami. Ang boses ng lalaki ay iyong katabi ko. Si Tyron.

Dinilat ko ang mga mata ko. Gusto kong hilingin na sana panaginip lamang ang lahat ngunit bukas na bukas sa mga mata ko ang katotohanan na mas malalayo pa ako sa mga magulang ko. 

Mukha ni Tyron ang tumapat sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang pangangalay ng leeg ko dahil sa pagkakasandal ko sa balikat niya kaya nahihirapan siyang tapatan ang mukha ko.

"Welcome to the city that never sleeps." Aniya at ngumiti sa akin ng malapad. Ang mga pilik mata niya ay napakahaba. Napaka kinis ng mukha niya. He snap me from my reverie using his fingers. "Little girl, Tulo pa laway mo oh." aniya. Napa angat ako ng ulo at tinakpan ang bibig ko bago lumingon sa paligid. Napakalakas ng pagkakasabi niya noon! Nakakahiya!

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng makitang puro mga englishera at englishero na lamang ang nasa eroplano at lahat sila ay busy sa pagkuha ng gamit nila.

Tumayo si Tyron at uminat. Tumayo na din ako at kinuha ang mga gamit ko. Hindi na ako masyadong nagisip kung may naiwan ba ako dahil tanging cellphone at earplugs lamang ang nilabas ko sa bag ko. 

Tinulungan ako ni Tyron sa pagkuha ng bagahe ko. "Thank you." pasasalamat ko.  "No problem." aniya at ngumiti muli sa akin. Hinawakan ko ang metal na hawakan sa maleta ko nanoot ang lamig noon mula sa palad ko papunta sa sikmura ko.

Ito na... nandito na ako. Pipilitin kong baguhin ang lahat para sa magulang ko. Pipilitin kong abutin ang lahat ng gusto nila para matanggap nila ako at mapatawad.

"Tyron, samaha—" napalingon ako sa paligid ko at wala na akong kasama. Tumahip ang kaba sa akin. Wala akong alam dito... Saan ko hahanapin si Grandma? Lumingon ako ng lumingon at lumunok ng lumunok. Kabadong kabado ako.

Naglakad ako ng naglakad. Ang mata ko ay hindi ko itinigil sa kakagala. Nagbabakasakali na makita ko si Tyron. "Mia!" napatingin ako sa kabilang gilid ko at nakita ko si Grandma. Tumakbo ako sakanya at niyakap siya. "Akala ko nawawala na po ako!" bulong ko sakanya. Ang mga braso niya ay binalot ng init ang katawan ko.

Ngumiti lamang siya. "Mahaba ang biyahe mo panigurado gutom ka na." aniya. Niyakap niya ang braso ko at naglakad na kami palabas ng airport.

Nilingon lingon ko ang paligid ko. Nagbabakasakali na baka makita ko si Tyron. Pero bakit ko nga ba siya hinahanap?

Sumakay kami sa bus at bumaba sa kung saan kitang kita na ang big ben..

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na hindi igala ang paningin ko. Napakaganda sa London. 

Napadako ang paningin ko sa isang lalaki na tingin ko ay estudyante pa lamang dahil sa hawak niyang libro na binabasa niya habang naglalakad. Binaba niya ng libro hanggang sa ilong niya at ang mga mata niya ay agad na tumama sa akin. Napaka gwapo ng mata niya sa kulay grey na kulay. Hindi ba siya artista?

"Mia!" napahinto ako at napatingin kay Grandma na nasa pintuan na ng isang fastfood chain. Nilingon kong muli ang lalaki kanina at nakitang nakababa na ng tuluyan ang hawak na libro. Binigyan niya ako ng isang ngiti. Nahihiyang ngumiti din ako sakanya.

"Anong gusto mo, Mia?" ngumiti ako at tinuro ang gusto ko. Nasa counter kami ni Grandma at halos ng kumain sa loob ay mga briton. Karamihan sakanila ay sumusulyap sa amin. Bahagya akong yumuko sa hiya.

Mia... She called me that and Vann for my younger sister even through she never met Vannah.

"Malapit po ang bahay mo dito, Grandma?"
Binaba niya ang hawak na kubyertos ng matapos na siyang kumain. Pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang tissue ng marahan.

"Hindi apo. Lumipat na ako noong isang araw sa Swindon. Kanina ko lamang nasabi sa mama mo iyon pero okay naman sakanya." aniya. Tumango tango ako at dinungaw ang phone ko na ipinatong ko sa mesa katabi ng pagkain ko. Gusto ko sanang itanong kung saan ang Swindon kaso ay kung malaman ko kung malayo o hindi ay wala na akong magagawa kung hindi ang sumama sakanya at doon na tumira.

Hindi pa din ako tinatawagan nila mommy. Hindi ba sila nag aalala sa akin, na baka kung anong nangyari sa akin sa pagbaba ko sa eroplano? o kung hindi ba naaksidente ang eroplanong sinasakyan ko?

Masyado akong nag iisip. Siguro ay mamaya tatawagan ako nila Daddy para kausapin tungkol sa byahe ko. Siguro iniisip nila na napagod ako sa byahe. At hahayaan na lang muna akong magpahinga. 

Bago kami lumabas sa fastfood ay inabutan ako ni Grandma ng isang makapal na coat. Agad kong isinuot iyon dahil kahit na makapal na ang suot ko ay nilalamig pa din ako.

Napakalamig dito at ibang iba sa init ng Pilipinas. Gusto ko na agad bumalik sa Pinas.

Sumakay kami ni Grandma sa taxi at nagpababa sa train station. Pagpunta sa train station ay sumakay kami doon papunta sa swindon. 

York Road.

Ang street sign na nabasa ko sa pagkababa namin. Puro bahay doon na halos magkakapareho at parang apartment lamang. Ang kulay ay parang pula na medyo na fe fade na, ang mga bintana at pintuan ay kulay puti. Halos lahat ng bintana at pintuan ay may halaman.

"Halika, Apo." agad niya akong inakay hanggang sa ikatlong pintuan sa kanan na parte. Medyo malaki ang bahay kumpara sa kanya na isang tao lamang. Hanggang second floor ito. May kalumaan na din ngunit masasabi kong maganda pa din. 

So Vannalein! Here's your new home. Away from your parents. A million miles away from Philippines.

Swindon... I hope you'll help me to meet the line that my parents set up for me. Help me to be enough for them. 

Pumasok kami sa loob. Binuksan ni Grandma ang tingin ko ay heater at hinubad ang coat niya.

"I clean your room upstair. You should rest now." wika niya. Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa british accent niya. Ma a-adopt ko kaya yun agad?

Hinubad ko ang coat ko at umakyat sa itaas. May dalawang pintuan lamang sa itaas na magkaharap. Pagbukasa ko ng pintuan na isa ay nakita kong puno ng gamit iyon at napakalinis.

Maybe this is Grandma's room. Sinara ko ang pintuan at binuksan ang kaharap nito. The room is clean but empty. Only bed, two table at closets are in there. Agad akong pumasok doon at nahiga na.

Agad akong hinatak ng antok ko at dinala sa kung saan.

Mirror (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon