Epilogue

2.5K 50 3
                                        

Beginning of the End

"Honey, I will give you a new name since you can't remember your name." kandong ang batang babae ay hindi ko maiwasan ang ngumiti ng abot sa magkabilang tenga. 

"Tyron, please.." tiningala ko si Tyron na nakatingin sa akin. Huminga siya ng malalim bago tumango ng dahan dahan.  "If this will make you happy." aniya.

"Essha Lorraine.." Hinaplos ko ang buhok niya at niyakap niya ako. "Ako na ang iyong mama." wika ko sakanya. Ang mga inosente niyang mata ay tinitigan ako. 

Pinapangako ko, po protektahan kita na parang sa akin talaga. 

Inayos namin ang papers para pakuha namin ang pangangalaga kay Essha, ang pangalan na ibinigay ko sakanya. 

Matapos ang isang araw na paghahanap sa Sky Ranch ay inuwi namin si Essha.  Tinanong ko siya ng detalye ukol sa magulang niya ngunit hindi niya matandaan.

"Ma..." tinignan ako ni Tobias. Hinatak ko siya at niyakap din. "My babies..." kinintalan ko ng halik si Tobias sa noo.

Binigyan namin ng kwarto si Essha sa tabi ng kwarto ni Tobias. Ipinasok sa eskwelahan na magkasama ang dalawa. Nakikita ko naman na ayos lang si Tobias at masaya din siya. 

Nakaupo ako sa sofa at pinagmamasdan ang dalawa, si Tobias at Essha na nag aaral sa lamesita. Tumabi sa akin si Tyron. 

"Happy?" tanong niya. Tumango ako sakanya. Inakbay niya sa akin ang kanan na braso niya at humilig akong lalo sa dibdib niya.  "Happy and now contented." wika ko pa. 

"Mama, ano pong ulam?" tanong ni Tobias. Napatingin sakanya si Essha. Marahil interesado din malaman ang sagot.

"Your new favorite. Chicken Chinese style." Binitiwan niya ang hawak niyang lamis. "C'mon, Mama. Let's eat!" excited niyang wika.

Tinignan ko si Tyron na unang tumayo at naglahad sa akin ng kamay. "Let's eat dinner. Essha, let's go." naglahad din ako ng kamay kay Essha. Tinignan ko si Tobias at nakita kong malapit na siya sa pintuan. 

Essha, looks like want to say something but won't spill it. "Honey, what is it?" tanong ko sakanya. Tinignan niya ako ng may pagtitimbang bago bumaling kay Tobias na nasa hapag na. "Wala po." aniya at ngumiti na. 

Inilapag ng katulong ang pagkain at ako ang naglagay sa plato ng pamilya ko. Inunan ko si Tobias na excited at sinunod si Essha bago si Tyron.

Narinig ko ang buntong hininga ni Essha. Napakunot ang noo ko pero ng tignan ko siya ay kumakain na siya. 

Inilagay ni Tyron ang isang kamay niya sa hita ko at kumain gamit ang isang kamay lamang. Napailing na lamang ako. 

Matapos kumain ay binilin ko sa yaya ni Essha na linisan na siya at ako ang maglilinis kay Tobias. 

Inihiga ko siya sa kama niya at nilagyan ng kumot. "Mama, stay here please." hiling niya. Hinihintay ako ni Tyron pero patutulugin ko muna ang isang 'to. "My big boy wants her mama." asar ko sakanya bago tumabi sakanya sa kama. 

Yumakap siya sa akin at hinaplos ko ang buhok niya. Hindi ko namalayan ay nakatulog na din ako at nagising lamang dahil sa mga halik sa braso ko. "Baby..." narinig ko ang boses ni Tyron. 

"Nakatulog ako." akmang aalisin ko ang pagkakayakap ni Tobias ng pigilan ako ni Tyron. "Let's sleep here tonight." aniya. Natawa ako ng mahina. "Sabi mo gusto mo ng cuddle ko ngayon." tudyo ko sakanya.

Napangisi din siya. "Magagawa natin yun bukas. Maybe, gustong magpalambing ng anak natin ngayon." aniya. 

Pinaglapat ko ang bibig ko. Pinipigilan ang ngiti. "Alright."

Mirror (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon