Kabanata 35

1.8K 38 0
                                    

Happy Family

I flip the omelet and then mix the sinangag on the other pan.

First morning with my family on our own house. It is still feel so surreal. Parang kahilingan pa din ang lahat sa aking imahinasyon.

"Morning, Mama!" nilingon ko si Tobias na bahagya pang nakapikit ang mga mata. Tyron is still sleeping in our room. Tobias has his own room but I suggested that he should sleep with us so that I can take the years that I am not in his side, kaya ang nangyari ay tatlo kami sa kama. 

Lumapit sa akin si Tobias at kinintalan ako ng halik sa pisngi. "Akala ko panaginip pa din." aniya.

Pinatay ko ang kalan sa omelet bago hinarap si Tobias at kinulong ang mukha niya sa magkabilang palad ko. 

"No, baby... This is real." anas ko at kinintalan pa siya ng halik sa noo. 

Niyakap niya ako sa tagiliran. "Maupo ka na at maluluto na itong sinangag." wika ko sakanya. Tumango siya at naupo sa silya sa tapat ng mesa. 

Inilipat ko ang omelet at sinangag sa plato bago iyon inihain sa hapag. "Wait for me here. Tawagin ko lang si Papa mo." wika ko.

Pumasok ako sa kwarto at naupo sa gilid ng kama. Tyron is still sleeping. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang labi niya. 

"Tyron, wake up now. Kain na tayo." sa konting uga ko lamang ay suminghap na siya at naupo. "Dumating na iyong mga kasambahay natin?" umiling ako kaagad sa tanong niya.

"Nope. I cooked. The basic. Sinangag and omelet." he chuckled. "I love you." napangisi ako tinugon ang sinabi niya. "I love you, Tyron." hinaplos ko ang pisngi niya. "C'mon. Let's eat now. Sunod ka na huh..."

Pagtayo ko sa kama ay tumayo na din siya at sumabay sa akin na bumaba. Naupo siya sa silya na nasa gitna ng mesa.

Nilapagan ko sila ng plato, kutsara, tinidor at baso sa tapat nila. Pinagsilbihan ko sila sa hapag.

"Mama, magbabaon po ako nito." wika ni Tobias na tuwang tuwa sa niluto ko. "Sure, Baby.." magiliw na tugon ko.

Ang pasukan ay sa lunes na, inilipat ni Tyron si Tobias dito na mag aral ngayong taon at kopag nagustuhan ay dito na kami permanently.

"Where are we going later?" tanong ni Tyron at tumingin sa akin at kay Tobias.

"I want to go to park, Papa." aniya. 

"Okay.." sumubo muna si Tyron ng pagkain niya at nilunok iyon bago dinugtungan ang sinasabi. "Let's finish eating first..."

Pagkatapos kumain ay nilagay ko ang pinagkainan sa lababo. Akmang kukuhanin ko na ang foam pang linis ng plato ng niyakap ako ni Tyron mula sa likod.  "Let me do that, baby.." bulong niya sa tenga ko. My heart beats fast. I can't believe it. Maraming taon ang lumipas at nawala sa amin pero parang isang araw lamang kaming hindi nagkita ni Tyron. Ang pagmamahal ko sakanya ay hindi nagpadala sa panahon na lumipas. 

Hinarap ko siya at hinawakan ang kanan na pisngi niya. Pumikit siya at tila dinadama ang palad ko sa mukha niya.  "Tyron..." untas ko ngunit hindi siya dumilat sa halip ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. 

"I miss you so much! Sisiguraduhin kong araw araw tayong magkasama, Baby.." napangiti ako sa kakaibang kilig na binigay ng mga salita niya. 

"I love you Tyron." wika ko. Binabawasan ang kilig na sasabog na sa puso ko. 

"Papa.." sigaw ni Tobias mula sa labas ng pintuan ng kwarto niya.  Umangat ang ulo ni Tyron. 

"I will wash the dishes. Go to our son." tinignan niya ako sa mga mata ko at kumindat sa akin.

Bago ko daluhan si Tobias ay binigyan ko ng halik sa labi si Tyron. Ito ang isa sa mga bagay na sisiguraduhin kong gagawin ko araw araw. 

Iniwan ko si Tyron doon na nakatingin sa akin at pinuntahan na si Tobias. Pinaliguan ko siya kahit gusto niya ay siya ng mag isa. Sa damit ay sinuotan ko din siya. "I didn't do this for you. So, let me Tobias.." wika ko atsaka ngumiti. 

Nang matapos ko siyang asikasuhin ay inasikaso ko naman ang sarili ko. Pinauna ako ni Tyron sa banyo namin.

Paglabas ko ay binigyan niya ako ng halik sa labi bago pumasok sa banyo. Napailing na lamang ako ng nakangiti. 

Kumuha ako ng damit at pinaghanda ng damit si Tyron.

Army green. Ito ang kulay ng suot namin na tatlo. Isa ito sa binili ko sa Paris ng magkaroon ako ng ramp doon. May tatak na 'Mom' 'Dad' 'Son'.

Dahil ito ang unang labas namin bilang pamilya gusto ko memorable ito. 

Lumabas ng banyo si Tyron ng nakatapis lang ng tuwalya. Ang katawan niya ay lumaki ng konti kumpara dati.

"Mia Vannalein, Stop looking at me like that. You know how much I miss you. Baka isara ko na lang ang kwarto natin at hindi ka na palabasin hanggat hindi ka nabubuntis." wika niya sa malokong paraan. 

"I miss you." Lumapit ako sakanya at kinintalan siyang muli ng halik.  Malungkot ko siyang tinignan. I can't be pregnant again. It will cost my life.

"Puntahan ko lang si Tobias. We will wait for you on the sala." wika ko at lumakad na palabas. 

Bago ako tuluyan na makalayo ay hinatak niya ako at dinala sa harapan niya. Inayos niya ang buhok ko. "Im sorry baby." malambing na aniya. Pinasingkit ko ang mata ko at ngumiti. "For what?"

"It was supposed to be a joke.. Im sorry." He knows. Nandoon pala siya ng manganak ako. Siguro ay nakausap niya ang doctor noon.

"It's okay, Tyron. It's okay..." pag aalo sakanya. "You and Tobias is enough. I thank god because he gave us Tobias first before this happened." I gave him a reassuring smile. "Bihis ka na baka nagiinip na ang anak natin." pagputol ko sa usapin namin.

"Dito ka muna. Tulungan mo din akong magbihis." nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. "You are old enough, Tyron. Nakapagbihis ka ng mag isa simula ng natutunan mo ito—-.." pinutol niya ang sasabihin ko pa sana ng salita niya. "I know Mia. Nilalambing lang kita." nahihiyang ngumisi siya sa akin.

Ngumuso ako at dinampot ang hinanda kong damit niya. Hinyaan ko siyang mag bihis ng pang ibaba niya at tinulungan ko siyang magbihis ng kanyang shirt, medyas at sapatos. 

Nang matapos siya sa pagbibihis ay sabay kaming lumabas ng kwarto. Si Tobias ay nasa sala at nanonood sa television habang naghihintay sa amin. 

"Tobi—.." tinakpan ni Tyron ang bibig ko. Tinigan niya ako. Nilagay niya ang hintuturo niya sa gitna ng bibig. Naintindihan ko ang gusto niyang gawin.

Maybe this is their small bonding noong hindi pa nila ako kasama.

Sabay nanin na ginulat si Tobias at napuno ng tawanan ang bahay namin dahil nahulog si Tobias sa sofa at bumagsak sa carpet sa gulat. Hindi naman malakas iyon kaya nagtawanan lamang kami.

I knew from this day on that our life will be filled with laughter. A happy family and no one will be left out. I will make sure that Tobias will always feel loved and won't let him feel what I felt before.

----

Thank you for reading Mirror up to this far. Super bagal ng update pero may mga naghihintay pa din talaga.

After this is my first story in my new series 'Missing Kirvin Morales' hope you still give it a try and also the Copy Kath. :)

Add me on facebook: Maia SB Fortunato
Facebook page/ ready to hear your complaints (haha) : Mykoryana Stories

Mirror (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon