Hindi kita iniwan.
Napasapo ako sa ulo ng magising sa kalagitnaan ng gabi. Umalis ako sa kama at lumaylay ang suot kong damit na off shoulder sa aking kanan na parte ng balikat. Naramdaman ko ang lamig ng sahig ng mawala ang paa ko sa carpet.
Humarap ako sa malaking nakatayo na salamin sa aking kwarto. Darkness hug me. Napatawa ako ng sarkastiko sa tapat ng salamin. This is ridiculous! Napa iling iling ako.
Paano ko naisip na anak ko si Tobias? Sinabi ng doctor sa akin, narinig mismo ng mga tainga ko na nawala ang anak ko.
Nawala ako sa aking iniisip at bumalik sa aking sarili sa harap ng salamin. Ang mga luha ay dumadaloy sa pisngi ko ng hindi ko namamalayan. Tumalikod ako sa salamin at naglakad pabalik sa kama ko.
Maybe Im crazy for thinking that he's my son.
Pinilit kong bumalik sa pagkakatulog kahit na hirap na hirap na ako dahil kinakain ang isip ko ng mga alaala ng kahapon.
Nang magising ako ay nahihilo ako at pakiramdam ko ay namumutla ako. Ganoon pa man ay nagtungo pa din ako sa banyo upang maligo at makapagbihis na.
Lumipas ang ilang araw at napansin ko ang pagbabago sa kapatid ko. Hinanap ko si Jeremy to say sorry even if it's too late ngunit hindi ko siya mahagilap.
Dala ang laptop ay nagtungo ako sa coffee shop sa mall. Kinuha ko ang phone ko upang tawagan ang mga kasama ko sa thesis.
Nilapag ko ang laptop bago naupo. Busy pa din ako sa pag contact sa mga kasama ng mahagip ng tenga ko ang pamilyar na boses.
"Toby, this is your mom's favorite coffee.." Hinanap ng mata ko ang may ari ng boses na iyon. Sa counter, sa mga mesa sa paligid ngunit hindi ko makita ang mukha ng taong hinahanap ko.
"Vannalein!" napabaling ako sa pintuan. Nandoon ang dalawang kaklase ko at palabas din ang taong hinahanap ko. Si Tyron. Sa kanan na kamay ay hawak ang kape at sa isang kamay ay hawak ang maliit na bata. Toby....
Hahabulin ko ba?
Naupo sa tapat ko ang mga kasama ko. Nawala naman sa paningin ko ang mag ama kaya napatayo ako.
"Excuse me." wika ko sa mga kaklase ko at tumakbo palabas ng pinto.
Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip ako pero gusto kong habulin si Tyron. Gusto kong marinig mula sakanya ang lahat.
Tumakbo ako sa kung saan. Wala akong pakialam kung saan ako papunta ang tanging gusto ko lang ay ang maabutan si Tyron.
Palingon lingon ako ngunit hindi ko makita ang hinahanap ko. Bigla kong sinisi ang sarili ko kung bakit hindi ko sila hinabol kaagad o tinawag man lamang noong nasa loob pa sila ng coffee shop.
Bagsak ang ulo at balikat na bumalik ako sa coffee shop. Pinunasan ko din ang pawis na bahagyang lumabas ng tumakbo ako at ng makaramdam ng kaba sa paghahanap sakanila.
Pagtulak ko ng pinto ay tumunog ang bell sa itaas nito. Narinig ko ang pag uusap ng mga nasa loob. Ngunit mas naka focus ako sa nag uusap na nasa counter.
"Tobi, I want you to stop talking about her. Baka kamuka lang iyon ng mama mo." wika ng isang lalaki na kilalang kilala ng puso ko ang boses.
"But, Papa... I've told you! She's the picture on your laptop! She's my mother. Why don't we look for Mama?" Ang malakas ng boses niya ay humina sa dulo. Bawat bitiw ng salita ay may pangungulila. Tila parang dinudurog ang puso ko. Bakit ganito ako kung maapektuhan? Ako nga ba ang mama mo? Pero paano?
Tumingala ako ng saglit bago naglagay ng ngiti sa mga labi ko. "Tobi!" tawag ko sakanya.
Nakita kong tumingin sa direksyon ko si Tyron at ang bata. Gulat na gulat ang mata ni Tyron samantalang ang bata ay malapad ang ngiti sa akin. Bumitiw siya sa papa niya at niyakap ako.
"Ang bango niyo po." aniya. Hinimas ko naman ang ulo niya. "How are you?" sinagot niya lamang ako ng malapad na ngiti. Tinignan ko si Tyron. "You shouldn't be running away from your dad. Baka mawala ka na naman..." wika ko sakanya.
"Sorry. That won't happen again." Wika niya at ang kamay ay nakahawak sa kamay ko at parang ayaw na akong bitiwan.
"Here's your cappuccino, Sir." napaangat ako ng tingin sa kay Tyron at sa nag serve.
"Tobi. Here's the coffee... Let's go home. We need to pack your things for our flight later." Matigas na wika ni Tyron. Boses na nagpapahiwatig ng galit.
Gumapang ang inis sa akin. Bakit siya naiinis?
"But—--" apila agad ni Tobi.
"No buts, Tobi."
"Tyron... Can we talk?" Wika ko ngunit agad kong pinalitan. "I mean, let's talk."
"Im sorry Vannalein but.." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng tinitigan ko siya.
"Okay. For just ten minutes." aniya at naunang naupo sa silya sa gilid malapit sa counter.
"Kilala mo po ang papa ko?" bulong na wika ni Tobi. Nginitian ko lang siya at ibinaba. "Tobi, we'll just talk. Okay?"
"Okay po.."
Tinignan ko si Tyron. Sa sobrang dami kong gustong sabihin ay hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa at kung paano ko uumpisan.
"So..." naiinip na wika ni Tyron.
"Bakit ka nawala? Bakit mo ko iniwan?" nanuyo ang lalamunan ko sa mga tanong na mas umangat sa puso ko. Ang tanong na gustong gusto kong itanong.
"Hindi kita iniwan." simpleng sagot niya. Gusto kong sumigaw sa harap niya kung hindi ko lang naiisip na nasa coffee shop kami at nandito din ang mga kasama ko.
Huminga ako ng malalim. "Hindi mo ko iniwan? Kaya pala pag gising ko wala ka na? Kung kailan kaylangan kita nawala ka? yung panahon na sinabi ng doctor na namatay ang baby ko, nawala ka? tapos sasabihin mo hindi mo ko iniwan?"
"Vannalein..." ang galit sa mukha niya ay mas lalong umigting ngunit ang boses niya ay sobrang lambot na para bang isang mamahalin na dyamante ang pangalan ko at kailangan na pag ingatan.
"Babalik kami ni Tobi sa London. I want you to come with us para mas masabi ko sayo ang lahat... Please, Vannalein. Hindi kita iniwan..." Hinawakan niya ang isang palad ko at dinala sa labi niya. "Fuck! I missed you!" Bulong niya na hindi ko maintindihan sa sobrang hina.
"Come with us. Don't tell —--anyone..." tinignan niya ako sa mata habang hinihiling ito. "Please..." pakiusap niya.
Walang pag aalinlangan akong tumango. "Okay. Ako ng bahala sa lahat. Give me your phone." Inabot ko sakanya ang phone ko at nagtipa siya doon.
"My number." aniya bago inabot sa akin. "Let's meet at the airlines. No! Susunduin na lang kita sa tapat ng subdivision ng bahay niyo." tumango lamang ako sa lahat ng sinabi niya.
----xx----
Hello guys! Gusto ko lang sabihin na gusto ko kayong maging friends sa mga social media account ko.
Add niyo ko! (demanding. xD)
Facebook: Myka Elizalde Riego and Myka Baladjay SB
Twitter: MykabaladjayNagpa followback po ako! :) See you there! Love you!
BINABASA MO ANG
Mirror (Completed)
General FictionDifferent. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palaging mali. Minsan naiku kumpara niya ang sarili sa nakababatang kapatid at hindi niya maiwasan ang ma...