Professor
"Hey Miss..." Napalingon ako sa likod ko ng may kumalubit sa akin. Kinuha ko ang libro kong nakasupot at umalis na sa harap ng cashier dahil may magbabayad ng iba.
Lumabas ako ng store ng dismayado dahil hindi ako nakapagpasalamat kay Tyron ng bayaran niya ang libro ko.
Binaybay ko ang daanan na dinaanan namin ni Grandma kanina. Lumiko sa kanan. Dito yun alam ko e.
Ilang minuto na akong naglalakad at hindi pa din ako nakakabalik sa bahay ni Grandma. Nakagat ko ang loob ng magkabilang pisngi ko ng mapagtanto na naliligaw ako.
"Hi Miss! You seems lost.." napalunok ako at nilingon ang malaking boses na iyon ng lalaki. He's four feet tall above me. He has a green eyes and a natural blonde hair. He's wearing a shirt and sweat short and a pair of white shoes. I think he a little older than me.
Naglakad ako pabalik. "Miss!" Hindi ko siya pinansin at nag dire diretso ng lakad. Vannalein! Bakit ba naisip mong magpaiwan!?
May nakasalubong akong dalawang matanda na mag asawa. "Hello." huminto sila at tinignan ako. Binibigay ang buong atensyon sa akin. "Im lost and, and I want to ask is where is the right path going to York Road." Itinuro nila sa akin ang daanan. "Thank you!"
Naglakad na ako sa itinuro nila ng may bumusina sa gilid ko. "Vannalein!" Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ang boses na iyon. Ilang araw pa lamang ngunit kabisado na ng pagkatao ko ang boses niya.
Hinatid niya ako at nagpababa lang ako sa kanto. "Thank you for this books and sa libreng sakay." pasasalamat ko sakanya. Ngumiti lamang siya sa akin. "You live here?" ang british accent niya ay napaka manly. Sinisilip niya mula sa bintana ng sasakyan ang mga bahay sa harap noon. "Yes. My Grandma and me live here." Sagot ko sakanya nahihiya sa english accent ko. Siguro kapag tumagal ako dito ay magiging ganyan na din akong magsalita.
Hinarap niya ako. "So..."
"I need to go." mabilis akong bumaba ng hindi ko kinaya ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
He chuckled. "Okay."
"Bye." I wave my hands. "Again, thank you!" pasasalamat ko.
"No problem." aniya at pinalis na ang sasakyan niya. Naglakad ako papunta sa tapat ng bahay ni Grandma. Nasa pintuan ako ng maisip kong hindi ko nakuha ang number ni Tyron.
Siguro nga ay natarayan ko siya noong una kaming nagkakilala pero kahit ganoon ay tinulungan pa din niya ako. Mabait siya.
"Vannalein?" mula sa taas ang boses na iyon ni Grandma.
"Yes Grandma?" Sagot kong pabalik. Naupo ako sa sofa at nilapag ang supot ng libro sa tabi ko.
"I thought it was someone else. Anyway, you have a great memory. Nakauwi ka agad kahit na isang beses ko pa lang natuturo sayo ang daanan." aniya.
Ngumiti ako sakanya. Isang hilaw na ngiti. Kung alam niyo lang po..
Kagaya ng sinabi ni Grandma. Naiayos na ang mga papers ko sa eskwelahan na pinaglipatan ko. Hindi ko alam kung bakit natanggap pa ako samantalang magtatapos na ang klase at wala na talagang pag asa ang grades ko.
Nag bus ako papunta sa eskwelahan kung saan ako naka enroll. Hawak ko ang phone ko at panaka-nakang tinitignan iyon. Simula ng makarating ako dito ay hindi pa ako tinatawagan ni Mama at ni Papa.
Nakakahiya ba talaga ang ginawa ko?
Sa pagpasok ko sa eskwelahan ay naging maayos naman ang lahat. Sa ikaapat na araw ng pagpasok ko ay naupo ako agad sa isang upuan.
"Good morning class." Mula sa pagkakayuko ay napa angat akong agad. Ang boses na iyon. Mabilis na tumibok ang puso ko. This can't be.
"Tyron!" napatingin sa akin ang mga kaklase kong malapit sa akin ngunit hindi ang taong nasa harapan ko. Ang boses ko ay mahina at hindi sapat para marinig niya.
Inaayos niya ang mga papel na inilapag niya bago kami hinarap at nilibot ang paningin niya.
"I will be your temporary professor in this subject, now--.." ang sunod na mga sinabi niya ay hindi ko na nasundan.
With that young face... How can he be my professor? Nasapo ko ang dalawang palad ko sa aking mukha.
He starts the lesson pero ako ay hindi nakikinig dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa mga kaklase kong pinagpi piyestahan ang kanyang mukha. How old is he? I wonder..
"Hi Vannalein! You're hot!" Napatingin ako sa bigla at pasimpleng lalaki na tumabi sa akin. He's a British, of course. All of my classmates are almost from here and some are from other countries.
Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya. This is natural here but it's not okay with me. "Me and my friends wants to invite you tonight." dugtong pa niya. Kumunot ang noo ko sa anyaya niya. Who is this guy, by the way!?
"Im-Im talking about a night party!" Lumawak ang ngisi niya sa labi ng banggiting niya ang 'party' na tila nai imagine na niya ang mangyayari.
"Who are you, by the way? Inviting from parties but never introduce your name. It's rude. And Im also rude." Ngumiti ako sakanya.
"What was that mean?" ngumiti siya ng malaki expecting that I would say yes.
"Im rude because, I will say no." Ngumiti ako sakanya ng pa cute. Hindi makapaniwala akong tinitigan ng lalaki bago tumingin sa mga barkada niya at nag sign ng 'Ewan', 'I don't know."
"Drake, Stop bothering Vannalein." Ang boses niyang kilalang kilala ng utak ko ay kumalat sa classroom. Kinagat ko ang loob ng magkabilang pisngi ko.
The bell rang. Ang babaeng kukay blonde ang buhok ay sinipa ang bag ko. Nang tinignan ko ito ay malalaki ang ngisi nila sa akin.
Hindi ko sila pinatulan kaya lumabas na sila. Tumayo ako ng ako na lamang ang natira sa classroom. Si Tyron ay nag aayos ng mga libro niya at ilang papel sa harapan.
"Vannalein, I am so glad to see you here." nahinto ako sa pagbaba sa huling baitang ng hagdanan pababa sa unahan. Nag angat ako ng tingin kay Tyron. Ngumiti siya sa akin. Ang ngiti niyang napaka init sa pakiramdam ko.
"Anong sunod mong klase?" tanong niya at sabay kaming lumabas ng classroom.
"Nothing... This is my last subject." Sagot ko sakanya.
"Coffee?" Pag aaya niya. Saglit akong nag isip at pumayag din sa huli.
Paglabas ng classroom ay nagtungo ako agad sa daanan papunta sa cafeteria.
"Where are you going?" takang tanong niya. Isinenyas ko ang papunta sa cafeteria.
"Sa labas tayo." aniya at nauna ng lumakad.
Napakatangkad niya kumpara sa akin. Napaka gwapo ng likod niya. Ano bang iniisip ko? Ang bata niya ngunit professor ko na siya.
Bumagal ang lakad niya kaya halos madikit na ako sakanya. Ang mamahalin niyang pabango ay nanoot sa ilong ko.
What are you thinking, Vannalein!?
"Im just curious.." Naimuntawi ko sa aking sarili. "Yeah... This is just a curiosity!" Kumbinsi ko pa lalong sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
Mirror (Completed)
Fiction généraleDifferent. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palaging mali. Minsan naiku kumpara niya ang sarili sa nakababatang kapatid at hindi niya maiwasan ang ma...