Right time
I packed my things at handa na sa pag alis. Nakaupo ako sa kama at naghihintay ng oras para sa tamang pag alis sa bahay.
Tinignan ko ang isang bagpack sa tapat ng kama. Why leaving my family is not letting me feel any guilt? Why leaving makes my heart comes out in so much happiness?
Tumungtong ang tamang oras. Saktong alas dos ng madaling araw ng tumayo ako sa kama. Saktong pagtayo ko ay may narinig akong sigaw mula sa labas.
Iniwan ko ang gamit at lumabas sa pintuan. I heard my mom's voice. Kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto nila, ang ilang maids ay sumunod na din sa akin.
I saw my dad lying down on the brown carpet at walang malay. Mom's crying beside him kalaunan ay inangat niya ang ulo ni dad at hiniga sa hita niya.
Nag angat siya ng tingin sa akin. "Vannalein, ang daddy mo..." She said between her breathing. Ang mga maid sa likod ko ay tumakbo sa kung saan. Siguro ay tatawag ng ambulansya.
Tumunog ang phone sa palad ko. I look down on it. Tyron's name flash on the screen.
Things couldn't go the way we want it. Sa mga oras na ito parang may tali na sumasakal sa akin. Tila pinlano ng panahon ang lahat. Kung kailan isang hibla na lang, isang pitik na lang ng malaking kamay ng orasan ay makakatakbo na ako sa kasiyahan na ninanais ko ngunit biglang tumigil ang lahat at itinalikod ako sa kasiyahan.
Tinignan ko lang ang cellphone sa palad ko hanggang sa mawala ang pangalan niya at muling bumalik.
"Mam! Nandito na po ang ambulansya. Kasunod ng maid ang mga nurse ng ambulansya.
Binitiwan ko ang cellphone ko at sumunod kay mommy na nakadalo kay daddy na binababa ng mga paramedics.
Pagdating sa hospital ay agad na dinaluhan ng mga doctor si daddy. Binigyan siya tulong at ilang oras lang ay nagkamalay na din siya.
Nagpaalam si mommy sakin na papasok sa kwarto ni daddy. Tumango lamang ako doon.
Tumulo ang luha sa kaliwang mata ko. Hindi siguro para sa akin ang kasiyahan...
Nakalabas si daddy sa hospital matapos ang ilang araw at ngayon ay naghahanda kami para sa graduation ko.
I am a cum laude. Mommy is very happy but daddy seems to be more happier. Nagpahanda si Daddy sa mansyon ng maliit na party bilang celebration.
Pagkatapos bumati sa mga bisita ay nagpaalam ako kila mommy at daddy na magpapahinga muna hindi dahil napagod ako kung hindi dahil para kuhain ang phone ko at i- dial muli ang number ni Tyron.
"The number you have dial is either unattended or out off coverage ar–-" Pinatay ko ang tawag at huminga ng malalim.
Muli ko sanang ida dial ang numero ngunit nakita ko si Daddy na sumunod sa akin sa sala.
"Vannalein.." may hawak siyang maliit na envelope at photo album.
Tumabi siya sa akin. Ang mga mata ko ay hindi maalis sa hawak niya. Ano kaya ang hawak niya?
Mukhang napansin niya na doon nakatuon ang atensyon ko kaya inabot niya sa akin ang album.
"Open it.." sinunod ko ang nais niya.
The first picture was me. Noong bata pa ako. Noong nag aaway kami ni Vannah sa isang doll house. Kasunod ay iyong dalaga na ako at nagbabasa ng libro hanggang sa iyong picture ay yung nasa ibang bansa ako.
Nangining ang kamay ko lalo na ng ang sunod ay iyong kasama ko si Tyron. Bumagsak ang mga luha ko ng ang sunod ay iyong nagbubuntis ako hanggang sa picture ng isang baby na lalaki na kakalabas lang sa sinapupunan. Sunod ay ang pictures ni Tyron kasama ang isang batang lalaki.
Pinunasan ko ang mata kong nanlalabo at nagluluha dahil sa mga nakikita ko.
"Paano niyo po–" Nahinto ako sa pagtatanong hindi alam kung ano ang unang itatanong.
"He's Von Tobias. Sa bawat galaw niyo ni Vannah ay pinababantayan ko kayo dahil hindi ako mapanatag kung ano ang kalagayan niyo pero kasabay ng takot ko ay ang kagustuhan na matuto kayo sa lahat ng bagay. Pasensya ka na Vannalein, mahal na mahal ko kayo, lalo ka na. Ikaw ang panganay namin alam kong hindi ko kayo napagtutuunan ng pansin pero kaligtasan niyo lagi ang nais ko."
Mataman akong nakikinig sa bawat letrang binibigkas niya.
"Nang manganib ang buhay mo sa panganganak nagalit ako. Sinabi ko kay Tyron na layuan ka ngunit kapalit noon ay isasama niya daw ang anak niyo. Pumayag ako dahil ikaw ang nasa isip ko at sigurado ako sa desisyon ko dahil kaya kong pasundan si Tyron."
Ngayon pumasok sa akin ang lahat. Sinisi ko si Tyron ngunit wala pala siyang kasalanan.
"Ang sabi ni Tyron, siya ang mag aalaga sa anak niyo para makapag aral ka ng maayos at makamit mo ang pangarap mo. Nangako din siya na hindi siya magpapakita sayo hanggang sa makapagtapos ka."
Inabot niya sa akin ang puting envelope. "It's a ticket going to your happiness." Binuksan ko ang envelope. Ticket iyon papunta sa England at ang isang papel ay ang picture ni Tyron at ako na walang malay habang nakapatong sa dibdib ko ang sangol na kakalabas lang.
Napaiyak ako sa nakita ko.
"Sabi niyo po patay ang anak ko..." puno ng hinanakit ang boses ko. Alam kong kabutihan ang hanggad niya ngunit hindi ko maiwasan ang hindi masaktan.
"It was a plan of Tyron. He said that way you won't go and find them." He explain.
Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko magawang yakapin si Daddy dahil naghihinanakit ako sakanya.
"Go on. Pack your things again or the plane will leave you." sa sinabi niya ay nataranta ako at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung may alam ba si mommy dito o tanging si daddy lang.
Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Daddy sa sala.
Si manong Tonyo na driver namin ay naghihintay na sa akin sa bukana ng pintuan. Marahil ay sinabihan na ni Daddy.
Mabilis akong sumakay ng kotse ng isakay ng driver ang maleta ko.
Tinignan ko ang hawak na litrato. Baby Tobias... I am very excited to see you again.
Wait for me baby...
Siguro kaya humahadlang ang tadhana o panahon dahil hindi pa iyon ang tamang oras. Maybe, all we need is a right time to come for our happiness.
Maybe this is all about the right tim for us to be truly happy.
Tyron, this is the right time. Let me find you both and start again.
BINABASA MO ANG
Mirror (Completed)
Ficción GeneralDifferent. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palaging mali. Minsan naiku kumpara niya ang sarili sa nakababatang kapatid at hindi niya maiwasan ang ma...