Kabanata 5

1.9K 39 0
                                    

Professor

Sakay kami ngayon ng sasakyan niyang chevrolet spark at kung saan patungo ay hindi ko alam..

"Where are we going?" hindi ko natiis na tanungin.

"Baila Coffee shop." simpleng sagot niya. Tumango tango na lang ako. Gusto ko pang magtanong pero baka maasar lang siya sa akin.

Tumanaw ako sa bintana ng sasakyan at pinagsawa ko ang mga mata ko sa tanawin sa labas ng sasakyan. Dinala ko ang dalawang palad ko sa bibig ko ng makaramdam ako ng lamig.

Nakita ko ang isang kamay niya na inabot ang kung ano sa harapan ko. Ginalaw niya iyon at mas uminit ang loob ng sasakyan kumpara kanina. 

"Still cold?" may pag aalala sa boses niya ngunit bago ko pa mabigyan ng kung anong kahulugan iyon ay agad ko ng itinaboy sa isip ko ang paraan ng pagsasalita niya.

Sinagot ko siya ng iling at hilaw na ngiti. Nginitian niya ako pabalik at nag focus na lamang sa pagmamaneho.

"I thought you were just on vacation. And never slip in my mind that you were here for school.." bukas niya ng usapin habang nakatingin pa din sa harapan.

"Nope... My parents send me here for school." Simpleng sagot ko. Ngayon na naalala sila Mommy at Daddy, naisip ko kung tama bang sumama ako sa lalaking ito at magkape sa kung saan imbes na nagbubuklat ng libro para tumaas naman ang grado ko.

Nag park siya sa parking lot at agad na lumabas pagkatapos. Pinanood ko ang pag ikot niya bago ko naisip na dapat ay lumalabas na din ako. Binuksan ko ang pintuan sa banda ko, saktong nasa harap na siya at binuksan na din ang sasakyan.

"Thank you." wika ko. Nginitian niya ako at hindi ko maintindihan pero ang ngiti niya ay mainit ang haplos sa puso ko.

Iminuwertsa niya ang daan papunta sa coffee shop. Sinundan ko siya. His back is so manly. I swear! Vannalein! What were you thinking!?

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at ngumiti sa akin. "Their coffee is my favorite. Amerikano!" aniya at kumindat. He's your prof for god sake Vannalein! Slow down your heart. It's beating too fast than it's usual heartbeat.

Dumiretso siya sa counter habang nakasunod lang ako. Nakatingin ako sa menu sa taas ng lingunin niya ako.

"What's yours?" aniya. Napigil ko ang paghinga ko. Bumagal ang lahat sa paligid ko. Ang pagbuka ng labi niya, ang pag bukas at pagsara ng mga mata niya, ang galaw niya lahat ay bumagal sa paningin ko kasabay ng pagbagal ng takbo ng isip ko. 

Para akong nasa kabilang mundo kung saan bumagal ang lahat ngunit may isang bukod tangi ang mabilis at iyon ay walang iba kung hindi ang puso ko. 

"Vannalein... Hello? Knock knock!" Napalunok ako ng mariin ng nakabalik sa normal ang lahat. What was that? What was just happened? Where am I?

"Uhmmm.. Cappuccino." mahina at halos mautal na sagot ko.  Bumaling ako sa kabilang gilid ngunit sakanya pa din naka focus ang atensyon ko.

"Cappuccino. Okay." humarap siya sa babae sa counter at kinausap iyon. Sa muling pagbaling niya sa akin ay bitbit na niya ang tray ng order namin. May dagdag nga lang na dalawang cheese panini doon.

Agad kong iginala ang paningin ko para maghanap ng magandang pwesto. Nakita ko ang bakanteng upuan sa harap ng salamin na harang.

Nang tignan ko si Tyron ay bigla siyang naglakad sa tinitignan kong pwesto. Inilapag niya ang tray at ipinaghila ako ng silya.

Gentlemen. But he's your Prof.

I need to remind it to myself over and over again.

Naupo sa silya na inilaan niya sa akin at naupo na din siya sa harap ko pagkatapos. 

"So... You're living with your Grand mother?" Nag angat ako ng tingin sakanya. Gulat dahil alam niya ang parte na iyon sa buhay ko. 

"How did you know?" Tanong ko at sumipsip sa kape ko.

"York Road, was known as a living place of old people here.." Tumango tango ako. Napansin ko nga na puro matatanda ang nakatira sa lugar namin. Ngunit mayroon din ang iba na kasamang dalaga na katulad ko.

"You? I didn't expect that you'll be my
Professor." Wika ko. Uminom siya sa kape niya at tumingin sa akin. Agad kong binaba ang paningin ko sa kape at uminom doon.

"Me? Where I stay?" tumango tango ako.

"I am staying at West Swindon. A flat. Im actually from Philippines." Bahagya siyang tumawa kaya tinitigan ko siya. Ang cute niya!

"Not really a Professor." bahagya siyang tumawa. "I am a Professor. Pumasok ako para pampalipas ng oras at ma share ang natutunan ko. Nag aaral pa din ako. Business Management. Nakatapos na ako ng Med-tech but I want to study more. Business Management because my family own a business. We supply the needs of hospital."

Namangha ako sa sinabi niya. Ilan taon na kaya siya?

Para kaming nasa blind date at palitan ng tanungan hangggang sa mapadako ang mga mata ko sa glass window at nakitang binalot na ng dilim ang kalangitan. 

"Oh-my-god!" Napatayo ako agad. Gulat na gulat naman siya sa ginawa kong pagtayo. "What is it?"

"I need to go! Kailangan kong mag review!  May quiz kami sa ilang subject bukas." Mabilis kong dinampot ang bag ko at isinukbit.

"I need to go. Bye Tyron." Kumaway pa ako sakanya habang naglalakad na palabas ng coffee shop.

Nasa pintuan na ako ng maramdaman ko ang humawak sa palapulsuhan ko dahilan kung bakit nahinto ako sa paglabas sana. 

"Phone mo." aniya sabay lagay ng phone sa palad ko. Tiningala ko siya. 

"Thank you." wika ko.

"Hatid na kita." aniya. Umiling ako agad.  "No. I insist. Ako nagsama sayo dito kaya dapat ihatid kita." aniya. Wala na akong nagawa ng hatakin niya ako palabas at papunta sa parking lot.

Nagpababa ako sakanya kung saan una niya akong binaba ng araw na nag enrolled ako. 

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Mabilis akong lumabas sa sasakyan niya at bago pa ako makapagpasalamat ay naunahan na niya ako. "See you tomorrow, Vannalein." aniya. Ang labi niya ay namumula sa lamig at lumalabas ang uhok sa bibig niya kapag ibinubuka niya iyon.

Ang palad ko ay kanina ko pa ipinasok sa bulsa ng coat na suot ko dahil naninigas iyon sa lamig.

Tumango ako at ngumiti. "Thank you Prof! See you." Tinalikuran ko siya at naglakad na palayo sakanya. 

I cleared my throat. My heart is beating really fast and I am not that innocent to not know what is this..

Maybe Im attracted to him..

Mirror (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon