Note
Ilang overtake ang ginawa ni Alex upang makarating kami agad sa Chippenham.
Mahigit isang oras lamang ay narating na namin ang destination. Ang mahigit dalawang oras na byahe dapat ay napa iksi niya.
Inabot sa akin ni Alex ang phone niya. Kinuha ko iyon at nakita ang mukha ni Tyron habang may kausap sa isang dining table ng isang mamahalin na restaurant.
He's with his all smile. Halos bumagsak ang luha ko ng agawin ni Alex ang phone niyang muli.
Tinagilid niya ang ulo niya. Sumi senyas na pumasok a kami sa loob ng restaurant. Parang biglang inugat ang paa ko sa lapag at nahirapan akong ma-i angat iyon.
But this is Tyron smiling with a girl. I need to own that smile again. No! I own that smile. I own the one who is smiling. I own Tyron.
Lumakad ako papasok ng restaurant at agad umikot ang mata ko sa loob. Ang mga tao na nakakilala sakin ay agad na lumapit at nagpa picture.
Hindi ko sila pinansin because I am busy looking for my Tyron.
Tumingkayad ako upang mahanap si Tyron ngunit hindi ko makita ang kabuoan ng restaurant dahil sa mga tao na pumalibot sa akin.
Kokonti lamang ang mga tao ngunit parang isang pader ang humaharang sa akin.
Ngumiti ako sakanila. Karamihan ay lalaki at nagpa picture sa akin.
Nabawasan ang mga tao sa harap ko kaya nakita ko ang ilang parte ng restaurant. There, I saw him.
Tumayo siya at nakipag kamayan sa babaeng kausap. I wonder where is Tobias..
Kinuha ng babae ang bag niya samantalang kinuha naman ni Tyron ang envelope at bag niyang pa square ang hugis.
Tinignan ko ang iilang tao na nakapalibot sa akin. "Excuse me." paalam ko at nilakad ang daanan papunta sa kung saan ko nakita si Tyron.
Ngunit pag angat ko ng tingin ay wala na siya. Umikot ako sa kinatatayuan ko upang hanapin siya. Hinarang ko din ang waiter na dumaan sa harap ko ngunit hindi niya daw napansin.
I lost him before my eyes. Frustration cover my entire body. Nang hindi makita sa loob ay lumabas ako. Doon ay nakita ko siyang pasakay ng sasakyan niya.
"Tyron!" sigaw ko ngunit kasabay noon ay ang pagsara niya ng pinto ng sasakyan niya. He did not hear me!
Tinakbo ko ang sasakyan niya. Ngunit umandar na ito paalis.
Ilang oras akong nakatayo sa kung saan ako tumigil sa paghabol sakanya bago ako nag desisyon na lumakad at pumunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Alex.
Pumasok ako sa sasakyan niya bago ko siya tinawagan para makaalis na. We still have an after party...
Ilang saglit lang ay dumating si Alex at agad na pumasok sa driver's seat. "What happened?" I shut my mouth tightly.
Hindi na ako tinanong pa ni Alex muli. Pina andar niya ang sasakyan paalis. "Do you want to go home or at the after party?" Parang wala ako sa sarili ko. I want to go home pero nakakahiya kay Alex...
"Let's go to the party for an hour and then let's go home.." wika ko at sinandal ang ulo ko sa upuan ng sasakyan.
Pagdating sa bar ay binati kami agad ng mga reporter, sponsors, mga models na kasabay kong rumampa..
Si Alex ay nagpaalam na pupunta muna sa mga designer na kaibigan. Naupo ako sa isang couch. Mahigit bente minutos pa lang mahigit ang lumilipas ay nais ko ng umuwi.
Tumayo ako at hinanap si Alex upang magpaalam, ngunit hindi ko siya makita.
Kinuha ko ang phone ko at nagtipa doon ng mensahe para kay Alex bago ako tuluyan na umalis sa bar na iyon.
I take a cab on the way to the condominium of Alex. It is a 15 minutes drive from the bar.
Nagbayad ako at bumaba na. As soon as I entered the condominium the receptionist approach me. "Miss Mia, there is someone waiting for you awhile ago. He left this note for you.." lumapit ako doon at tinignan iyon.
Oxfordshire, Gloucestershire
- Tyron
Idinilat ko ng malaki ang mata ko para masigurado ko ang nakikita ko.
"Where is the person who left this note?" tanong ko sa receptionist.
"He just left..." wika nito. Lumunok ako at kinuha ang note. Tumakbo ako palabas ng condominium at pumara ng taxi.
Sinabi ko sa driver ang lugar.
BINABASA MO ANG
Mirror (Completed)
Ficción GeneralDifferent. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palaging mali. Minsan naiku kumpara niya ang sarili sa nakababatang kapatid at hindi niya maiwasan ang ma...