Kabanata 9

1.5K 29 0
                                        


Forbidden

"I got B!" pagmamalaki ni Maddison sa mga kaibigan niya. Habang ako ay hindi maalis ang ngiti sa mukha ko na naka plaster na ata simula ng sabihin ng professor  namin ang pinakamataas na score at kasunod ang pangalan ko.

Paulit ulit kong binasa ang test paper ko dahil baka namamalik mata lamang ako. 

'Mia Vannalein Alvarez' sa itaas ay may nakasulat na 'A+'

"Hi.. Congrats.." nilingon ko ang katabi ko. She has a natural red curly hair. Diamond shape of face, a pair of round eyes, narrowed nose and a kissable lips. Wearing a fitted white crop top shirt paired with ripped jeans and a white adidas shoes, she looks like a doll model.

"Thank you.." wika ko sakanya at dinungaw ng palihim ang papel niya. "I've got A." aniya ng mapansin ang pagsilip ko sa papel niya. Nahihiyang ngumiti ako sakanya. "Congrats.." pagpuri ko sakanya. "Thanks... By the way, me and my friends will hangout later, wanna come?" she asked.

I was a bit taken a back. This is the first time someone invited me since I enroll here.

I was about to say yes nang maalala ko si Tyron. May dinner kami.

"Maybe next time.." wika ko. "Oh.. Okay.." aniya. She extended her hands to me. "Brooklyn." kinuha ko ang kamay niya at binanggit ang pangalan ko.

The bell rang. Mabilis siyang tumayo. "See you around." aniya bago umalis sa tabi ko at sumama sa mga kaibigan niya.

Nang mangalahati ang mga estudyante sa loob ng room ay tsaka pa lamang ako tumayo. Kinuha ko ang gamit at mabilis na lumabas na ng room.

Hinanap ko sa buong campus si Tyron. Hindi ko alam kung anong mayroon siya pero mas gusto kong sakanya ko muna sabihin ang score ko bago ko ipaalam sa magulang ko. Maybe because tinulungan niya akong makuha ang mataas na marka na ito. 

Nilibot ko ang lahat floor at bawat sulok ng campus pero hindi ko makita si Tyron.

Lumabas ako ng campus at nakita ang sasakyan ni Tyron na paalis na. Hinabol ko iyon ngunit sa kalagitnaan ay nahinto din ako ng matanaw kong hindi siya nag iisa sa sasakyan. 

Malungkot kong tinignan ang papel ko. Kung kanina ay masaya ako ngayon ay parang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam na hatid sa akin ni Tyron.

Naglakad ako papunta sa locker ko at dahan dahan na inilagay ang papel ko doon. Anong nangyayari sa akin? Para akong biglang napagod sa lahat at gusto mapag isa.

Isinara ko ang locker ko at mabilis na kinandaduhan iyon. Napatalon ako sa gulat ng makita si Brooklyn sa harap ko. Nakasandal ito sa isa pang locker at naka cross ang braso sa dibdib.

"Change your mind?" Nakangiting tanong niya. Nilingon ko ang mga kasama niya sa likuran. Apat na babae iyon at limang lalaki kasama doon si Drake na siyang nag aya din sa akin noong una. 

"So...." agaw ni Brooklyn sa atensyon ko mula sa panunuri sa mga kaibigan niya. 

Walang masama kung sasama ako sakanila. This is the first time and probably the last, because after this I need to study again and be prepare for the next test that'll come.

"Okay.."

"Okay? You'll gonna come?" paninigurado ni Brooklyn. Kinagat ko ang kalahati ng ibabang labi ko. Nagbabago ang desisyon dahil sa pag uulit niya ng tanong. But I can't take back my words. Did I made a wrong decision? Paano kung hatid sa akin nito ay kapahamakan?

Mirror (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon