Chapter One
Blaire Lozaga
"Oh my God, Marcus!" Natutop ko ang aking bibig dahil sa ginawa niya.
Ang gwapo niyang mukha na nakangiti ng malawak sa'kin. Ang kanyang mga tuhod na nakaluhod sa lupa habang hawak hawak ang isang box na naglalaman ng diamond ring.
Ang kanyang mga mata na tila ba kumikislap sa saya at pagmamahal habang pilit na hinahagilap ang sa'kin.
I can see him crying while asking me to marry him. Napupuno ng galak ang puso ko. God knows how much I love him!
"Mahal kita Blaire and I like you to be my everything... will you be Mrs. Warner by marrying me?" Sabi niyang parang umaagos patungo sa puso ko.
"Mahal na mahal din kita Marcus! Yes! I will marry you!" Naiiyak kong sagot sa tanong niya.
That day was perfect.
Sa loob ng apat na taon naming magkasama ay hindi niya ipinaramdam sa'kin na hindi ako worth it. Sobrang saya ko, lalo na nang dumating sa buhay ko si Marcus...
Kagaya rin ako ng mga babaeng humiling lang ng pandesal pero burger ang ibinigay at may fries and coke pa!
Kung baga sa isang meal, si Marcus ay fully loaded. Ni minsan ay hindi ako umiyak dahil sa lungkot simula ng umpisahan namin ang aming relasyon. He is everyone's dream guy.
Pagkatapos ng araw na 'yon ay mas naging maalaga sa'kin si Marcus. He always work over time para paghandaan ang kasal naming dalawa. Kung minsan ay ako ang sumusundo sa kan'ya sa opisina dahil mas maaga ang uwi ko.
"Babe!" Masayang bati niya sa'kin nang makita niya ako sa waiting area ng kanilang building.
Mabilis akong lumapit para yakapin siya ng mahigpit. I missed him so much! Parang ngayon lang kami nagkaroon ng kaunting oras sa isa't-isa dahil sa pagpupursigi niyang makaipon ng mabilis sa pag-iisang dibdib namin.
I can't blame him. I wan't to marry him as soon as possible too. Magkahawak kamay kaming umalis doon at sumakay sa kan'yang sasakyan.
Hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang tibok ng puso kong parang may hinahabol na race sa tuwing nakikita ko siya. His perfect face and curly hair na palagi kong ginugulo.
"Babe! Aalis pa tayo, e." Reklamo ni Marcus habang hawak hawak ang dalawang kamay ko na pinipigilan ang pag-gulo sa buhok niya.
"Marcus... Gusto ko ganito, gusto ko messy look ka." Pangungulit ko.
He smirked.
"I don't like girls staring at you... But how can I do that? You look hotter kahit na gulo ang buhok mo at gusot ang damit mo!" Pagmamaktol ko't kasabay ang pag-iwas ng tingin.
Natatawang umiling si Marcus. Huminga pa siya ng malalim bago magpatuloy. Inilapit niya ang kanyang mukha at pinantayan ang akin.
"Ano naman kung tumingin sila sa'kin? What important is you... You're the apple of my eye Blaire..." Ibinaba niya ang kanang palad ko papunta sa kanyang dibdib.
His husky voice na kay sarap pakinggan.
"At kahit dito... Ikaw lang ang isinisigaw nito..." He held my other hand and kissed it.
I can't do anything but to cry with happiness.
Marcus basically put my life on its right track. Kung noon ay makulit ako at tamad mag-aral, siya naman ang kabaliktaran ko. But that was before. Noong hindi pa siya dumarating sa buhay ko.
"Hindi ganyan, mas maganda kung mas lalaliman mo pa yung mga words mo. Like you were really on her shoes." Puna niya sa'kin noong unang beses akong nagpatulong sa project ko.
He's so hardworking at lahat ng 'yon ay sobrang proud ako. We finished school and graduated Cum laude. Sobrang saya naming dalawa no'n. Hindi lang kami kung hindi pati narin ang mga taong nakapaligid sa amin.
We're like the couple goals...
Are we?
BINABASA MO ANG
Seven Days
القصة القصيرةHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...