CHAPTER 25

36K 863 24
                                    

Chapter Twenty Five

I  Do


Sa pagbukas ng pintuan ay kasabay ng pagsinghap ko. Nilingon ako ni Daddy at bumulong.

"You will always be my little girl, I'm proud of you." Emosyonal niyang sabi.

"Daddy don't make me cry."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan na naman ang mga luha doon.

Ngumiti siya at tumango hudyat na papasok na kami sa loob. Lalong kumabog ang dibdib ko ng makita ang punong puno na simbahan. Nagmistulang bituin ang mga damit ng bridesmaids dahil sa mga makikinang na sequence sa mga iyon.

Narito ang lahat ng pamilya at mga kaibigan namin ni Hermes. Nakita ko ang makulit na pinsan niyang si Bryan na ring bearer namin. Nang makita ako nito ay walang humpay itong pumalakpak.

Kahit na nasa dulo palang ay kitang kita ko ang emosyonal at umiiyak na si Hermes. Hindi ko na napigil ang pag-agos ng emosyon ko. I'm marrying the love of my life. Napukol ang mga mata ko sa lalaking nasa tabi niya.

Marcus...

Napangiti ako. It's good to see him. Hindi ko akalain na magkikita pa kaming dalawa at sa kasal ko pa ngayon. Isn't it ironic? Parang noon lang ay kaming dalawa ang nagpaplano ng lahat para sa ganitong klaseng selebrasyon pero ngayon...

Kumurba ang mga labi niya ng isang ngiti ng mapatapat kami doon ni Daddy.

Tumango ako. It's all good now. Kalmado ang isang parte ng puso kong para sa kan'ya. I'm glad he came into my life too. Pero mas masaya akong nawala siya sa buhay ko dahil kung hindi ay hindi ko makikita ang talagang para sa akin at iyon ay si Hermes.

Niyakap ako ni Daddy ng magpantay na kami ng mapapangasawa ko. Niyakap niya rin si Hermes at may ibinulong rito. Napangiti si Hermes at tumango nalang kay Daddy.

Walang palya ang pag sigaw ng puso ko dahil sa pagiging emosyonal niya. Gusto ko nalang siyang aluin ngayon. I will always be a Daddy's girl! Siya ang naging batayan ko sa pagpili ng mamahalin. He loved Mommy so much and that's what I adore.

Hinawakan ni Marcus ang kamay ko saka ngumiti.

"Congratulations Blaire..." Nakangiting sabi niya bago ako igiya kay Hermes.

"Thank you, Marcus." Ngumiti ako pabalik sa kan'ya.

Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.

Maliban sa ikakasal ako sa lalaking pinakamamahal ko ay napatunayan kong kahit na gaano kasakit pala ang napagdaanan mo sa isang tao ay darating at darating parin ang taong talagang itinakda para sa'yo.

To heal the pain and to make you feel happy and complete again.

Ni wala akong pagsisising naramdaman dahil sa mga nangyari. Life is a journey and along that journey, we will face trials, pain and failure. Pero kapag nakita mo na ang taong parang sa'yo, masasabi mo nalang sa sarili mo na it's all worth it.

Lahat ng sakit at pagtitiis mo ay kusang mawawala at mapapalitan nalang ng saya.

Matapos ang paunang seremonya ay itinanong na ni father kung sino ang tumututol sa kasal naming dalawa.

Lahat ng mga kaibigan ko ay tumingin sa direksiyon ni Marcus pati narin si Hermes. Nakangisi naman si Leonne sa gilid nito.

Natatawang itinaas ni Marcus ang kan'yang mga kamay bilang pagsuko. Natawa nalang si Hermes dahil doon. We all laughed about it.

Nagpatuloy ang kasal.

"I do!" Masayang sabi ko ng itanong iyon ng pari.

Natawa ako ng makita ang pag yes ni Hermes dahil sa sagot ko.

Hindi pa man natatapos ang tanong para sa kan'ya ay sumagot na siya ng paulit ulit.

"I do father, I do. I do!"

Napuno ng tawanan ang buong simbahan dahil sa sinabi niya.

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride!" Masayang sinabi ni Father.

Naghiwayan ang mga tao at may sumipol pa doon sa crowd. Agad niyang hinawi ang manipis na belo na humaharang sa mukha ko at hinapit na ako palapit sa kan'ya para magawaran ng isang halik.

Hermes leaned in and kissed me, softly like he's never done it before. Everyone cheered for us. It's the sweetest kissed we've shared.

Blaire Lozaga Montgomery... I'm his and he is mine!

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon