Chapter Four
Blaire
"Go babe!" Hiyaw ni Marcus.
Nakakatawa dahil nasa recital lang ako pero kung maka-support siya sa'kin ay pang miss universe.
I smirked at him. Umakto naman itong parang tinamaan ng bala at napaupo sa isa sa mga upuang naroon habang hawak ang kanyang kaliwang dibdib. I bit my lower lip. Nakakainis! I need to focus!
Kung hindi lang dahil sa nakakatakot na kilay ni Miss Rosa ay hindi pa mapuputol ang tingin ko kay Marcus.
Bago pa man ako makaupo ay narinig ko na ang beep ng aking cellphone na hudyat ng isang text. Pasimple ko iyong kinuha sa bulsa ko habang nakatalikod si Miss Rosa.
"Good luck Baby. I will always be proud of you..." Basa ko sa text ni Marcus kaya naman buong araw akong ganado.
Kahit na ang mga utility ay nginitian ko dahil sa sobrang tuwa ko noong araw na 'yon.
Pagkatapos ng recital at klase ko ay hinintay niya ako kahit na tatlong oras pa ang itinagal ko.
Tuwing biyernes kasi ay mas nauuna ang uwian niya kaysa sa'kin. Pero kahit na gano'n ay gusto niya paring siya ang magsundo at maghatid sa'kin.
"Hindi naman kailangan babe... Pwede naman akong magpahatid kay Kuya Rolly." Tukoy ko sa family driver namin.
"Ako na babe. Kaya ko naman, e. 'Tsaka gusto kitang makasama, ayaw mo ba no'n?" Malungkot niyang sabi.
"Hindi naman sa ganun Marcus, this is just too much. Boyfriend kita at hindi alalay or driver."
Narinig ko ang sarkastikong pagtawa niya. I know where this kind of conversation was heading.
"That's the thing. Being your boyfriend, I have to keep you safe. Kahit na bodyguard or driver, I don't care. I love you at gusto kong pagsilbihan ka..."
Kahit na gusto kong tumutol ay hindi ko magawa. Kailan ko ba siya kinontra sa gusto niya?
"Oh, Blaire! Ang aga mo yata." Puna ni Mama Emma sa'kin.
Siya ang hinire ko na maglinis sa bahay na tinitirhan ko. Hindi ko lang naalala na ngayon pala ang schedule niya para linisin 'yon. Dalawang beses lang kasi sa isang linggo kung bisitahin niya ako. Kung tutuusin nga ay pwede na ang isang beses dahil hindi naman ako makalat. I clean my own mess.
"Opo Nanay." Pinunasan ko pa ang aking mata.
Pero kahit na walang luha do'n ay patuloy parin ang pag-agos ng nasa puso ko. I missed Marcus... So damn much...
Nagmamadali akong pumasok sa trabaho at inaliw ang sarili sa pakikipag-usap sa mga taong naroon.
Ni isa sa kanila ang walang nakahalata sa nararamdaman kong lungkot. They all see me as a jolly person, and I don't want to break that. Mas gusto kong maging masaya nalang para iwas sa iisipin nila.
Hindi rin ako yung tipong gusto ng pansin. I deal with my own problems and circumstances.
Kung bakit ba kasi hanggang ngayon ay naiisip ko parin siya. It's been fucking two years for fucks sake!
"Are you going out tonight Blaire?" Napapitlag ako sa pagsulpot ni Luke sa gilid ng table ko.
"Jesus, Luke! Don't scare me!" Napahawak pa ako sa aking dibdib.
My heart is pounding. Pero ibang klaseng kabog. Malayong malayo sa kabog tuwing kasama ko si Marcus.
"Sorry! Are you okay? I'm here like three minutes ago but you keep on staring blankly."
Kunwaring inayos ko ang aking gamit sa table. Not minding his question and what he was saying. Umupo naman ito sa gilid ng lamesa ko bago naghalukipkip.
"I... I'm busy Luke. Maybe next time?" Pinilit ko siyang ngitian.
Tinitigan lang ako nito na para bang gustong hagilapin ang dahilan sa laman ng utak ko.
"Okay..." Ngumiti siya at marahang tumango.
Nakahinga ako ng maluwag na mawala ang presensiya niya sa kinaroroonan ko. Pero hindi nawala ang kaba ko dahil sa isang pares ng mga matang hanggang ngayon ay hindi parin ako tinitigilan.
I can see him walking towards me. Nakasuot siya ng itim na suit habang hawak hawak ang isang tasa na sa tingin ko'y naglalaman ng kape.
Nothing new.
He's always like that since I saw him here in Australia. And rumors are true, the world is small indeed. Dahil sa dinami-rami ng mapagtatrabahuan ko ay naroon din ito. He's my boss.
"Coffee Blaire..." Inilapag niya ang ang hawak niyang kape ng makalapit na siya sa'kin.
Now, I don't know how to ignore him. Like I always do.
"Thank you..." Matipid ko siyang nginitian.
"Hindi ka ba talaga sasama sa company dinner?" He asked.
"No. Marami pa akong gagawin, e. I need to do my reports. Hindi ko pa natapos-"
"Really? What report? The one you already gave to Jaila? Come on Blaire! Kung hanggang ngayon kinukulong mo ang sarili mo sa lungkot-"
"Ano bang alam mo?!" Pigil ang paghingang singhal ko sa kan'ya.
Tumayo ako at hinarap siya. Who does he think he is para sabihin kung ano ang ginagawa at dapat kong gawin?
"Blaire, relax... I didn't mean to. I'm sorry..."
Sa huling sinabi niya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang biglang pumasok ang liwanag sa loob ng office na nagpakalma sa'kin.
Bakit nga ba ako nagkakaganito? Dahil kay Marcus?
"Look, if you don't feel like going to the dinner, ako nalang ang magsasabi kay Jaila. But if you need a friend, nandito lang ako..."
Kailan ba ako naging ganito ka isolated sa mga tao? I used to be friendly and jolly but lately... I don't even know how to smile genuinely.
"I'm sorry...." Nahihiyang sabi ko.
"It's okay. Maybe you need to rest or-"
"I will go..." Putol ko sa kung anong sasabihin niya. Napatigil naman ito kasabay ng pagliwanag ng aura niya.
Sinuri niya pa ang kabuuan ko. Sinisigurado kung tama ba ang narinig niya at ang mga sinabi ko.
"So... see you then?" He smiled at me.
The smile that always comforts me. Na nagsasabing okay lang. Okay lang ako. I'm strong. Kaya ko. Kayang kaya.
"Okay... H-Hermes..." Pinilit kong gantihan ang mga ngiti niya bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.

BINABASA MO ANG
Seven Days
Short StoryHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...