Epilogue
TOTGA
Sa buhay mayroong dalawang klase ng TOTGA. Masasabi kong si Marcus iyong unang TOTGA sa buhay ko.
The one that got away.
At si Hermes naman ang pangalawa.
The one that God allowed.
He made me realized everything. Na ang lahat ng sakit na nangyari sa akin ay may dahilan. Hindi ibig sabihing nadapa ako ng unang beses ay doon na titigil ang lahat para sa akin.
Hermes made me feel whole again. Siya iyong taong hindi ko akalaing bubuo sa nasira kong mundo.
There will always be the one who will make you believe in love again. And for me, that's him.
My husband.
Napangiti ako ng makita ang gwapo niyang mukha habang nakapikit. Bakit hindi ko kaagad ito naramdaman noon?
Siya iyong masungit na lalaking nahulog sa surfing board. Ang lalaking mahirap i-aproach dahil parating mukhang nagsusungit. Ang lalaking lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin. Bakit hindi ko nakita kaagad ang lahat noon pa lang?
Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha. Hindi ko mapigilang mapangisi habang kumukunot ang noo niya sa maingat na paghaplos ko.
Maya maya pa ay napasinghap ako ng makita ang marahang pagmulat niya. Napatitig ako sa mga pilik niyang lalong nagdedepina sa malamlam niyang mata. Nalulunod ang puso ko sa sobrang saya ngayon. God I love him so much!
"Good morning Mrs. Montgomery." He said in his husky voice.
"Good morning Mister!" Nakangisi kong bati sa kan'ya.
Agad siyang sumiksik sa aking leeg na dahilan ng pagtayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan. He trailed sweet kisses from my neck down to my collar bone.
"Hermes..."
"Uhm?" Ungol niya habang abala sa pagtanim ng mga halik sa leeg ko.
"Hermes!" Hinampas ko ng marahan ang kan'yang braso dahil sa paghuli niya ng kiliti ko.
"Ouch! wifey?!" Tumigil siya pero kinuha niya naman ang kamay ko at iyon naman ang ginawaran ng maliliit na halik.
Oh Hermes!
"Hindi pa ako nagto-toothbrush!" Reklamo ko. "Tsaka..." Tumigil ako para hawakan ang tiyan ko.
Kanina pa ako nakatitig sa kan'ya dahil maaga akong nagising. Kanina pa rin kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom.
Nakita ko ang pag awang ng labi niya at ang pagkagulat sa kan'yang mukha.
"Are you pregnant?! Is it possible? I mean, we're making love for two days. Is it really possible?!" Napapitlag ako ng lumapit siya sa tiyan ko para ihilig doon kan'yang tenga.
"Hermes no! Nagugutom lang ako!" Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ng tawa ko dahil sa inosente niyang mukha na nakahilig sa tiyan ko.
Ilang ulit pa siyang nagpaikot-ikot doon na tila ba sinisigurado ang ginagawa.
"Blaire, I heard something!" Tumaas ang boses niya na dala ng pagka-excite sa isiping may nabuo na sa tiyan ko.
Nanatili ang pagtawa ko dahil sa ginagawa niya.
"Seriously Blaire..." Napanguso niyang sabi.
Hermes, you are the cutest! Tawang tawa talaga ako sa mukha niyang parang batang naibigay ang gusto.
Natigil lang ako ng halikan niya ang tiyan ko. Dumaloy muli ang kakaibang kuryente sa kabuuan ng aking katawan. Natulala ako ng makita ang seryoso at malamlam niyang mga mata. Narinig ko ang madamdaming boses ni Hermes habang kinakausap ang aking tiyan.
"Hi baby... It's Daddy. You're one day old now but know that I love you already. I love you baby..." Tumigil siya at humilig sa kabilang banda para makita ang mukha ko. " Mahal na mahal ko kayo ni Mommy baby..." He whispered.
Kitang kita ko ang tuwa sa gilid ng mga mata ni Hermes. Wala sa sariling hinaplos ko ang kan'yang gwapong mukha.
Napupuno ng galak ang puso ko dahil doon. Ngayon pa lang ay alam kong magiging mabuti na siyang ama sa mga magiging anak namin.
I never expect that I can go beyond bliss. Ni hindi ko alam kung mayroon pa bang salita para sa nararamdaman ko. Wala ng pagsidlan ang labis na tuwa sa puso ko simula ng maging kami ni Hermes.
Minahal ko si Marcus ng higit pa sa kaya ko noon pero iba itong pagmamahal ko kay Hermes. It was endless. Para bang kapag hindi siya dumating sa akin ay tatanda nalang ako ng dalaga. He saved my broken heart.
Marcus was my first love but Hermes will definitely my last...
Hindi ko kailanman sisisihin ang Diyos sa lahat ng bagay na nangyari sa akin noon. Because now I understand that he only wants the best for me. At si Hermes ang talagang best para sa akin.
There will always be the best. Minsan nabubulag tayo sa mga kagustuhan natin na hindi para sa atin. Nasasaktan tayo sa mga maling desisyon. But in the end, when the right person comes along your way. It will be rewarding and worth it.
Hindi nagkamali si Hermes.
Pagkatapos ng honeymoon namin sa Bali ay agad na nagbunga ang pagmamahalan namin.
"Pwede bang sundan agad si Baby?" Nakangising sabi niya habang namimili kami ng mga gamit.
"Hermes! Hindi pa nga lumalabas si Baby eh!" I pouted.
Agad niyang binitiwan ang trolley at lumapit sa akin para yakapin ako.
"I'm just excited Wifey... Masyadong maraming pagmamahal dito sa puso ko. Masyadong marami para sa inyo ni Baby... I want more." Seryoso niyang sinabi bago halikan ang noo ko.
Napangisi nalang ako. I want that too. Gusto kong bumuo ng masayang pamilya kasama siya.
"I love you so much Blaire. Hinding hindi ako magsasawang sabihin yan sa'yo." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niyang nagpapikit sa akin.
Niyakap ko rin si Hermes ng mahigpit.
"Mas mahal kita Hermes... Mahal na mahal..."
Inangat niya ang mukha ko para magpantay kami. Ibinaba niya ang kan'yang mukha para halikan ako, buong puso kong tinanggap ang matamis na halik ni Hermes.
Thank you for making me complete again Hermes.
This is not the end,
This is just the beginning of our endless days.
Together.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
2017©CengCrdva
BINABASA MO ANG
Seven Days
Short StoryHindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay kagaya nang sa iba. Hindi lahat ng araw, masaya. Hindi lahat ng pagkakataon, maswerte ka. At lalong...